• Buong Italy isinailalim sa lockdown dahil sa COVID-19
  • Ang drastic measure ay ginawa sa layuning protektahan ang populasyon, higit sa lahat ang mga taong may mahihinang pangangatawan
  • Isang dahilan din ang tila pagbabalewala ng maraming kabataang Italyano sa mga babala laban sa kumakalat na sakit

Ipinag-utos ni Italian Prime Minister Giuseppe Conte na i-lockdown na ang buong Italy sa gitna ng patuloy na pagkalat ng coronavirus (COVID-19) sa kanilang bansa.

Screenshot mula sa WP video

Una nang isinailalim ni Prime Minister Conte ang malaking rehiyon ng Lombardy, subalit pinalawig niya ang movement restrictions ng mga mamamayan sa buong Italya.

“All the measure of the red zones are now extended to all of the national territory,” ani Conte sa isang press conference kung saan ipinag-utos din niya ang pagbabawal sa lahat ng uri ng public events.

Aniya, ang drastic measure ay ginawa sa layuning protektahan ang populasyon; higit sa lahat ang mga taong may mahihinang pangangatawan. Isang dahilan din ang tila pagbabalewala ng maraming Italyano sa mga babala laban sa kumakalat na COVID-19.

“Our habits must be changed, changed now. We all have to give up something for the good of Italy. When I speak of Italy, I speak of our dear ones, of our grandparents and of our parents. We will succeed only if we all collaborate and we adapt right away to these more stringent norm,” panawagan ng Italian Prime Minister sa mga mamamayan.

Screenshot mula sa CNN video

Partikular na tinawagan ng pansin ni Conte ang mga kabataan na patuloy sa ginagawang social gatherings.

“This night life … we can’t allow this anymore,” mariing pahayag ni Conte.

Umabot na sa 9,172 ang kumpirmadong COVID-19 cases sa Italy at 463 na ang hindi nakaligtas dito; na ang karamihan ay mga matatandang may iniindang mga karamdaman.

Screenshot mula sa NBC video

Source :

CNN, AP