• Balut vendor sa Malabon na naglalako sa gitna ng kalsadang walang katao-tao, kinahabagan
  • Napag-alaman mula sa netizen na kumuha ng larawan na curfew hours na nang makitang naglalako ang balut vendor
  • Ipinatutupad sa buong Metro Manila ang curfew mula 8:00 ng gabi hanggang 5:00 ng madaling araw dahil sa COVID-19

Ipinatutupad sa buong Metro Manila at sa iba pang munisipalidad ang curfew mula 8:00 ng gabi hanggang 5:00 ng madaling araw bilang isa sa mga hakbang para makontrol ang pagkalat ng COVID-19.

Imahe mula kay Jon Erwan Delos Reyes

Sa Malabon, isang netizen ang nahabag sa balut vendor na namataan niyang naglalako ng paninda nito sa gitna ng mala-disyertong kalsada dahil wala nang katao-tao. Umiiral na kasi ang curfew hours kaya ang mga tao ay binabawalan nang lumabas ng kanilang mga tahanan.

“Alam ko hihina benta ni tatay pero salute sa balut vendor na to kahit wala nang tao ng ganitong kaaga 8:29pm lako pa din siya… god bless sau tatay,” post sa Facebook ni Jon Erwan Delos Reyes noong Lunes, ika-16 ng Marso.

Batay sa kuha ng larawan, mapagtatanto na nakunan ng litrato ang balut vendor habang nasa ikalawang palagpag ng bahay ang netizen.

Bumuhos naman ang simpatiya ng mga netizens sa balut vendor.

“Sila ‘yung sobrang maaapektuhan sa mga nangyayare ngayon. Kung may aasahan lang sana si tatay, hindi nya iririsk ang sarili nya dahil alam nyang may virus. Wala lang talaga s’yang choice. Sana talaga mawala na ang virus na ‘yan. God Bless po sa inyo ‘tay.”

“Salute kay tatay. Wala man s’yang proteksyon, gagabayan s’ya ng taas para ligtas ang kalusugan ni tatay.” 

“Lahat gagawin natin para ‘di magutom ang pamilya. Saludo ako sa’yo ‘tay.”

Imahe mula kay Jon Erwan Delos Reyes

Ang mga taong katulad ng balut vendor na ang kabuhayan ay higit na apektado ng enhanced community quarantine ang nais tulungan ng aktres na si Bela Padilla sa ginawa niyang fundraising campaign na tinawag niyang “Pagkain Para sa Pinoy.”

Umabot sa mahigit tatlong milyong piso ang donasyong nakalap ng aktres na gagamitin niya sa pagpapakain sa mga mararalita na apektado ng lockdown sa buong Luzon.

Imahe mula kay Jon Erwan Delos Reyes

Source :

Facebook