• Magkano kaya ang sweldong tinatanggap ng mga judges ng AGT?
  • Sino sa kanila ang highest-paid judge?
  • Sa Season 15 ng AGT na sisimulan sa May 2020, ipakikilala si Sofia Vergara bilang rookie judge

Katatapos lang ng America’s Got Talent: The Champions, ang spin-off show ng America’s Got Talent (AGT). Sa Mayo ngayong taon ay inaasahang magsisimula ang season 15 ng AGT kung saan isang bagong judge ang ipakikilala – si Sofia Vergara, ang star ng “Modern Family” TV sitcom.

Imahe mula sa Facebook page ng AGT

Marami ang nagtatanong kung magkano ang sweldong natatanggap ng isang judge sa nasabing talent completion show na ang trabaho ay humanap ng magagaling na talento sa Amerika at sa ibang panig ng mundo.

Ayon sa Talent Recap, Si Howie Mandel, ang beteranong komedyante at batikang TV host (Deal or No Deal) ay binabayaran ng $70,000 per episode (mahigit 20 episodes ang kada season ng AGT). Sampung taon na siyang judge sa AGT kaya naman hindi kataka-taka na ang net worth niya ngayon ay tinatayang nasa P40 million.

Malaki man ang sweldo ni Howie Mandel sa AGT, hindi siya ang highest-paid judge ng show.

Si Heidi Klum ay nagsimula sa AGT noong Season 8, pero wala siya noong Season 14. Member siya ng judging panel sa AGT: The Champions at nakatakdang mag-judge ulit sa Season 15. Hindi sigurado, pero naniniwala ang Talent Recap na ang sweldo ni Heidi ay tumatagingting na $100,000 per episode. Ang estimated net worth niya umano ngayong 2020 ay $120 million.

Heidi at Howie/Imahe mula sa Facebook page ng AGT

Si Simon Cowell ay hindi lang judge kundi isa ring executive producer ng AGT simula pa noong 2006 kaya natural na mas malaki ang kinikita niya kaysa mga kasamang judges. Noong 2015 lang siya nagsimulang maging judge ng show. Mahirap tukuyin ang eksaktong sweldo ni Simon per episode, pero kumikita siya ng hanggang $100 million per year sa lahat ng involvement niya sa show. Ang estimated net worth niya ay $600 million.

Imahe mula sa Facebook page ng AGT

Hindi pa malinaw kung magkano ang sweldo ni Sofia Vergara sa unang pagkakataon niyang magiging judge ng AGT sa darating na Season 15. Si Vergara, na star ng “Modern Family” TV sitcom, ay binabayaran umano sa sitcom ng $500,000 per episode kaya malaki ang posibilidad na magiging malaki rin ang sweldo niya bilang rookie judge ng AGT.

Ang estimated net worth ngayon ni Sofia Vergara ay $180 million at siguradong lolobo ito pagkatapos ng stint niya sa AGT.

Imahe mula sa Instagram account ni Sofia Vergara