• 2,000 lang ang COVID-19 testing kits na hawak ng RITM
  • Kinuwestiyon ng mga senador kung bakit hindi binibigyan ng prayoridad ang pagbili ng testing kits
  • Inamin ni DOH Secretary Duque na ang kakulangan sa testing kits ay nagreresulta sa ‘di-sinasadyang underreporting ng COVID-19 cases

Kinumpirma ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM) sa ginagawang Senate inquiry  na 2,000 lang nag COVID-19 testing kits nila.

Screenshot mula sa CNA video

“As we speak today, our stock on hand is good for 2,000 tests,” pahayag Dr. Rosanna Ditangco ng RITM na nagsabi pa  na humihingi sila ng karagdagang P43 million para pondohan ang iba’t ibang pangangailangan kabilang na ang pagbili ng COVID-19 testing kits.

Sa nasabing pagdinig sa Senado, kinuwestiyon nina Senator Nancy Binay at Senator Imee Marcos ang Department of Health kung bakit hindi agad ito bumili ng mga testing kits para sa mga pinaghihinalaang carriers ng coronavirus nang tumaas ang bilang ng mga confirmed cases nito.

“Naririnig namin sa inyo na you only have 2,000 testing kits out of a 100 million population. You think that is enough? Hanggang ngayon nagre-review pa kayo ng decision tools? Dapat ngayon umaaksyon na. I don’t want to panic, but you’re making me panic kasi ‘yung naririnig namin ngayon is parang hindi ninyo pinaghandaan na magkakaroon tayo ng local transmission,” sabi ni Sen. Binay.

Screenshot mula sa GMA video

“Bakit napaka-priority ng kung anek-anek na gagastusin sa P43 million, tapos nanghihingi pa ng P2 billion habang ang sangkatauhan ay hindi mate-test kung may sakit o hindi? Tama ba yun,” sambit naman ni Sen. Imee Marcos.

Nauna nang nasabi noon ni DOH Secretary Francisco Duque III na ang P2 billion supplemental budget ay gagamitin para pambili ng protective gear ng mga health workers at karagdagang P10 million para makabili  ng face masks.

Inamin ni Duque na ang kakulangan ng COVID-19 testing kits ay nagreresulta sa ‘di-sinasadyang underreporting ng COVID-19 cases.

Screenshot mula sa PTV video