• Umabot na sa isandaan ang bilang ng mga establisimyento sa Parañaque na nagseserbisyo sa mga Chinese nationals ang naipasara na
  • Ang pagpapasara ay dahil sa sari-saring paglabag sa mga ordinasa ng lungsod
  • Ang mga residente sa isang exclusive subdivision sa lungsod ay nagrereklamo na rin sa pagdami ng Chinese workers na naninirahan doon

Umabot na sa isandaan ang bilang ng mga establisimyento na nagseserbisyo sa mga parukyanong Chinese nationals ang naipasara sa Paranañaque City dahil sa iba’t ibang paglabag sa mga ordinansang ipinatutupad ng lungsod.

Imahe mula sa Philippine News

Ayon sa Business Permits and Licensing Office (BPLO) ng Parañaque City, sa kasalukuyan ay mayroon pang mahigit 50 na ganitong establisimyento na matatagpuan sa kahabaan ng Quirino Avenue na ang mga pangalan ay nakasulat sa Chinese characters.

Maging ang mga listahan ng kanilang mga serbisyo at menu ay sa Chinese characters din nakasulat. Ang iba ay may English translation, pero karamihan ay wala.

Ibinahagi ni Atty. Melanie Malaya, ang hepe ng BPLO ng lungsod, na noong nakaraang taon ay ang Parañaque ang unang lungsod na nagpatupad ng ordinansa na nag-regulate sa mga foreign-owned establishments.

“Last year, we’re the first city na nag-enact ng ordinance in regulating ‘yung mga foreign-owned establishments…na dapat may translations at nagpa-follow sa lahat ng local ordinances,” aniya.

Screenshot mula sa GMA video

Kabilang sa nilalabag ng mga nasabing establisimyento ang paglabag sa no smoking ordinance. Madalas umanong nakikita ang mga Chinese customers na naninigarilyo sa loob ng mga establisimyento. Hindi umano sila sinasaway ng mga staff sa pangambang lumipat ang mga ito sa ibang establishments.

Maaari lang makapanigarily0 ang customer sa designated areas at dapat ay may nakapaskil na “smoking permit” sa harap ng establisimyento, ayon pa kay Atty. Malaya.

Screenshot mula sa GMA video

May mga residente ng isang exclusive subdivision sa lungsod – ang Multinational Village – ang nagrereklamo na rin dahil masyado nang dumarami ang mga Chinese POGO workers na naninirahan doon.

Sinabi naman ni Atty. Malaya na bilang exclusive subdivision, ang homeowners association ang dapat mag-ayos ng problema ng kanilang mga residente.

Imahe mula sa Facebook page ni Sen. Dick Gordon

Source :

YouTube