• Sa isang Facebook post, sinabi ni Marcelito na masaya pa rin siya sa AGT: The Champions, matalo man o manalo
  • Hinimok ni Marcelito ang mga fans na panoorin ang Grand Finals ng AGT: The Champions
  • Mga fans sinabing si Marcelito ang tunay na Champion para sa kanila

Anuman ang resulta ng America’s Got Talent (AGT): The Champions, handa itong harapin ni Marcelito Pomoy. Matalo man o manalo, sinabi niyang masayang-masaya pa rin siya sa kung anuman ang mga nangyayari sa show.

Screenshot mula sa AGT: The Champions

Sa post niya sa Facebook, ibinahagi ni Marcelito ang video ng performance niya sa finals ng talent competition kung saan inawit niya ang duet nina Celine Dion at Peabo Bryson na “Beauty and the Beast.”

Hinikayat niya ang mga tagahanga na panoorin ang video. Aniya, may nag-leak ng video ng finals performance niya kaya minabuti umano ng AGT na ilabas na ang buong video.

“Marcelito Pomoy Singing Beauty and the Beast.. please watch this guys… I really don’t know what happened.. But I think a leak has been revealed so AGT needs to post the whole video to solidify the views… Hope you like it… God bless us all,” post niya.

Sa kabila ng maagang paglabas sa social media ng video, umaasa ang pambato ng Pilipinas na sana ay panoorin pa rin ng kanyang mga tagahanga ang grand finals ng show.

Imahe mula sa Facebook account ni Marcelito Pomoy

“Win or Lose… I am very much happy with all that is happening right now.. Love you all guys.. Stay tuned for the Grand finals…I just hope you will still watch the show even if there is a leak of my performance,” sabi pa ni Marcelito.

Ipinadama naman ng mga fans ang pagmamahal at paghanga nila sa talentadong Pinoy sa pamamagitan ng kanilang mga komento.

“I’m Brazilian watching from Brazil, Brazil love you Marcelito! You are our winner already!

Simple at taos-pusong “thank you” ang sagot ni Marcelito sa nasabing komento.

Screenshot mula sa AGT: The Champions

“You already proved so much of your talent Marcelito. That is how AGT is. A profitable show. But as a whole, this is already a big break to your career. Still thanks to AGT. You have gone a long long wayyy.”

“I can’t be more proud than I am right now for being your fellow Filipino, Marcelito Pomoy. May our Almighty God give you more power and confident, guide you and give you more grace to succeed in this journey of yours. So proud.”

“You’re already a champion, they don’t have to declare you a winner because you’ve already won! You’ve already won more hearts, you’ve already won because you brought more people happiness and inspiration, you’re already a winner because you are a champion in sharing your God-given talent to reach more people’s hearts. God bless you and your family more . AGT was just an instrument used by God to show more people how His gift to you, your incredibly natural talent.”

Screenshot mula sa AGT: The Champions

Source :

Facebook