• May mga kumalat na mensahe na ang mga food supplement kabilang na ang malunggay capsule ay maaaring panlaban sa nCoV
  • Sinabi ni Rep. Janette Garin na walang scientific proof na ang mga supplement gaya ng malunggay capsule ay mabisa kontra sa nCoV
  • Hinikayat ni Rep. Garin ang publiko na ugaliin ang tamang paghugas ng kamay, ang tamang asal sa pag-ubo at pagbahing

Ang malunggay ay madalas ihain sa hapag-kainan ng pamilyang Pinoy dahil bukod sa nabibili ito sa murang halaga ay napakasustansya pa nito.

Screenshot mula sa GMA video

Sinasabi ng mga health experts na ang malunggay ay sagana sa mga nutrients na nakapagpapalakas ng ating immune system na nakatutulong upang malabanan ng katawan ang maraming uri ng mga sakit.

Isa ang malunggay sa binanggit ni Department of Health Secretary (DOH) Francisco Duque III na makatutulong sa atin upang maiwasan ang pagkahawa sa 2019 novel coronavirus (nCoV).

“I strongly recommend as your doctor that you have to drink a lot of water. Make sure that your throat is moist so that the virus doesn’t attach to it and eventually get sore. Drink a lot of fruit juices rich in vitamin C and put malunggay in many of your soup and many other food stock,” sabi ng kalihim sa isang press briefing noong ika-30 ng Enero.

May mga kumalat ding mga mensahe na ang ilang uri ng food supplements, kabilang ang malunggay capsule, ay nakagagaling laban sa nCoV.

Dahil dito ay nagbigay ng babala ang dating DOH secretary at ngayon ay Iloilo Representative na si Janette Garin.

Screenshot mula sa GMA video

Bagaman at itinuturing na superfood ang malunggay, wala umanong sapat na scientific proof na maari nitong labanan ang nCoV.

“Karamihan sa mga viral infection e walang gamot. Merong iba, it can control, pero kung meron man, masyadong mahal. Supplements, by science, are not scientifically proven to cure viral infections,” paliwanag ni Rep. Garin.

“Please help us spread the message that NO CURE has been discovered. Circulating messages about supplements, malunggay capsules and similar products, being promoted is not proven. Sayang ang gastos sa mga bagay na hindi naman kailangan,” panawagan niya.

Imahe mula sa The Asian Parent

Sa halip na food supplements, hinikayat ni Rep. Garin ang publiko na ugaliin ang tamang paghugas ng kamay, ang tamang asal sa pag-ubo at pagbahing.