• Super Tekla nakapundar ng brand new SUV
  • Alagang-alaga ni Super Tekla ang bagong sasakyan na tinawag niyang “Kiko”
  • Unti-unti na rin siyang nag-iipon para makabili ng bagong bahay na malilipatan

Katas ng pinaghirapan ng komedyanteng si Super Tekla ang nabili niyang brand new sports utility vehicle (SUV) kaya naman alagang-alaga niya iyon.

Screenshot mula sa GMA video

Parang asawa na nga raw kung ituring ni Tekla ang SUV, sabi ng isang malapit niyang kaibigan.

“Nakakapagpundar na si Tekla, kahit papaano. Nakabili na nga siya ng kotse na alagang-alaga niya,” simulang kwento nito.

“Parang yun ang asawa niya dahil sila ang araw-araw na magkasama,” sabi pa ng kaibigan ni Tekla, na saksi sa mga hirap at pagsubok na pinagdaanan ng komedyante.

Kahit malapit lang ang pupuntahan ay ginagamit niya ang SUV. Ganoon daw kamahal ni Tekla ang naipundar.

Ipinagmamalaki ng komedyante na nakabili siya ng sasakyan na nagagamit niya araw-araw.

“Sanay ako sa bukid eh. Ang mga transportation namin doon kalabaw, kabayo. ‘Di ba kadalasan ‘pag may kotse, second hand? Ito brand new at talagang galing sa katas ng pinaghirapan mo,” bahagi ni Tekla tungkol sa kotse na pinangalanan pa niyang “Kiko.”

Screenshot mula sa GMA video

Hango raw ang pangalan nito sa una niyang pelikula na “Kiko en Lala.”

“Si Kiko. Pinangalanan ko siya noong first movie ko na Kiko en Lala. Katas nung ‘Kiko en Lala’ ‘to,” aniya.

Itinuturing daw niya ang bagong sasakyan na simbolo ng pagbangon niya mula sa pagkakalugmok noon sa mga masasamang bisyo.

Ibinida pa ni Super Tekla na unti-unti ay nakapag-iipon na rin siya ng pera para makabili ng bagong bahay na malilipatan.

Ang lahat daw ng mga tagumpay na tinatamasa niya ngayon ay ipinagpapasalamat niya sa mga tao na tumulong at nagtiwala sa kanya.

Screenshot mula sa GMA video

Source :

GMA Network, PEP