• Abaca fiber pinag-aaralan nang gamitin sa spacesuit ng mga astronaut
  • Ang I-Nano Solutions ng DLSU ang nagsasagawa ng pananaliksik
  • Ang proyekto ay pinondohan ng DOST

Hindi magtatagal ang abaca fibers ay magiging bahagi na ng spacesuit na ginagamit ng mga astronaut sa pamamagitan ng isang proyekto na pinondohan ng Department of Science and Technology (DOST).

Imahe mula sa NASA

Ang DOST ay nagkaloob ng P15-million grant sa I-Nano Solutions, ang research facility ng De La Salle University, upang magsagawa ng pananaliksik sa paggamit ng abaca fiber sa spacesuit.

Ang proyekto ay tinawag na “Fabrication and Characterization of Hydrophobic Nanocomposite Plated Abaca Fabric for the Enhanced Electromagnetic Interference Shielding and Thermal Resistance for Spacesuits Application.”

Layunin nito na makalikha ng mas mura pero mas mahusay na Thermo Mechanical Garment (TMG).

Ang TMG ang outermost layer ng spacesuit na isinusuot ng mga space explorers. Nagbibigay ito ng proteksyon sa mga astronaut mula sa masamang epekto ng electromagnetic waves, extreme temperature changes at radiation.

Target ng grupo na makagawa ng layered structure ng fabric mula sa abaca fiber na nababalutan ng nanocomposite materials para sa electromagnetic interference shielding at thermal resistance.

“Since 1960s, when extra vehicular activity has been introduced, there is a higher demand for more protective and mobile spacesuits for space explorers,” sabi ni Dr. Gil Nonato Santos, vice chancellor ng DLSU Laguna Campus at head ng I-Nano team.

Imahe mula sa Abante

“Exposure to harmful electromagnetic waves and extreme temperature condition in the outer space are the most life-threatening factors to consider in designing spacesuits,” paliwanag pa ni Dr. Santos.

Ginagawa ng DLSU ang proyekto sa pakikipagtulungan sa Technological University of the Philippines, FEATI University, Philippine Nuclear Research Institute, at Philippine Textile Research Institute.

Sinimulan ito ngayong buwan ng Pebrero at inaasahang matatapos sa January 2022.

Imahe mula sa Tabloid PH