• Sugalan sa lamayan at pistahan bawal na sa Metro Manila
  • Ang sabong, color games, saklaan at iba pang card games ay ipinagbawal na ni NCRPO chief Maj. Debold Sinas
  • Kailangan munang kumuha ng permit mula sa Games and Amusement Board ang sinuman bago magpasugal

Bawal na ang anumang uri ng sugal sa mga lamayan at pistahan sa Metro Manila, ayon sa pamunuan ng National Capital Region Police Office (NCRPO).

Ayon kay NCRPO chief Major General Debold Sinas, naglabas siya ng direktiba nitong Lunes ,ika-10 ng Pebrero, na ipinagbabawal na ang anumang uri sa sugal – sabong at card games tulad ng sakla, lucky 9 at tong-its – sa mga lamay at fiesta saan mang parte ng Kamaynilaan.

Screenshot mula sa YouTube video ni Joeyski

Nilinaw ni Maj. Sinas na bilang konsiderasyon ay lalapitan muna ng mga operatiba ng NCRPO ang mga kaanak ng pinaglalamayan upang pakiusapan na itigil ang pasugalan. Subalit, kung hindi umano susunod ang mga ito ay magsasagawa sila ng raid sa lamayan.

“Nag-issue na ako ng directive na maski sa patay, bawal ang magsugal,” sabi ni Major Sinas said sa isang press conference sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City.

“Ang guidance ko, pakiusapan muna. Pagkatapos, kung ayaw saka i-raid para hindi nila masabi na wala kaming konsiderasyon,” dagdag pa ng NCRPO chief.

Ang mga sabong at color games na kalimitang makikita sa mga peryahan tuwing may pista ay ipagbabawal na rin sa buong Metro Manila.

“Maski piyesta ng barangay ay bawal, ‘yung mga sabungan lalo na yung color games at lalo na yung saklaan,” ani Major Sinas.

Imahe mula sa Provincial government ng Cavite

Aniya, kailangan munang kumuha ng permit mula sa Games and Amusement Board ang sinuman bago magpasugal.

Ang direktiba ni Sinas ay kaugnay ng order ni Philippine National Police Chief General Archie Gamboa na paigtingin ang kampanya laban sa illegal gambling.

Imahe mula sa Redditor

Source :

Inquirer, Twitter