• Rabbit meat bilang alternatibo sa karne ng baboy isinusulong ng DA
  • Parang manok din umano ang karne ng kuneho
  • Nagbabanta ang kakulangan sa supply ng karne ng baboy dahil sa patuloy na pagkalat ng ASF sa bansa

Malaki ang posibilidad na magkaroon ng kakulangan sa supply ng karneng baboy kung hindi maaagapan ang patuloy na pagkalat ng African Swine Fever (ASF) sa bansa.

Imahe mula sa Pxhere

Nagbabala ang Philippine Veterinary Drug Association (PVDA) na aabot sa 1.1 metric tons ang mawawala sa supply ng karneng baboy sa bansa kapag ang ASF ay nagpatuloy at walang mga hakbang na gagawin upang pigilan iyon.

Ayon sa grupo, mula noong ika-13 ng Enero ngayong taon ay umabot na sa178,159 hogs o 1.7% ng total hog population sa bansa ang na-cull o kinatay, 29,709 lang sa kanila ang may ASF.

Kung walang kontrol na gagawin ang pamahalaan ay maaaring mawala ang 62% ng hog population sa bansa na katumbas ng 7.85 million pigs hindi lang dahil sa ASF kundi dahil maraming hog raisers ang hindi muna mag-aalaga ng mga baboy upang maiwasan ang pagkalugi.

“Pag wala tayong gagawing kontrol, 80% ng backyard tatamaan. Eh 65% ng population natin ay backyard,” sabi ni Dr. Eugene Mende, president ng PVDA.

Kaugnay nito, pinag-aaralan ng Department of Agriculture (DA) na paliitin ang “culling zone” mula “within one kilometer” ng mga hog farms na apektado ng ASF, gagawin na lang itong kalahating kilometro.

Screenshot mula sa video ng GMA

“Kasi ang data natin ay 13% lang yung may sakit e. Mas marami yung na-depopulate na walang sakit,” ani DA Secretary William Dar.

“I have requested both our group and the private sector to study the possibility of reducing the 1-kilometer protocol where depopulation is being done to a half a kilometer,” dagdag pa ng kalihim.

Dahil dito ay naghahanap ang DA ng alternatibo sa karneng baboy dahil sa nagbabantang shortfall sa supply ng baboy. Isa na ang karne ng rabbit sa kinokonsidera.

Madali lang daw palakihin ang mga rabbit. Mas mura ang karne nito at mas mayaman sa protina. Natikman na raw ni Sec. Dar ang rabbit meat.

“Parang manok din,” aniya.

Imahe mula sa Wikipedia

Ang karne ng manok pa rin naman ang pangunahing option ng DA bilang pamalit sa kakulangan ng karne ng baboy, ayon pa sa kalihim.

“Those are all options. We have talked with them na we are supportive of their industry. Kasi ang growth cycle noon ay mas lesser than other potential substitute. It will be cheaper. We are serious. All options are on the table. But poultry is number 1,” paliwanag niya.