• Isang billboard sa kahabaan ng EDSA, naging usap-usapan sa social media
  • “Pray for Wuhan” ang mababasa sa billboard na ang background ay ang national flag ng China
  • Sari-sari ang naging reaksyon ng mga netizens sa billboard

Nagpalitan ng mga sari-saring ispekulasyon at komento sa social media ang mga netizens dahil sa “Pray for Wuhan” billboard na nasa kahabaan ng EDSA.

Screenshot ng Twitter message ni Ogie Rosa

Ito ay matapos ibahagi ng BBC New Philippines correspondent na si Howard Johnson ang nasabing billboard na nakakabit sa walkway bridge na konektado sa Boni Station ng Metro Rail Transit Line 3.

Makikita sa billboard ang mga katagang “Pray for Wuhan” at ang mga hashtags na “pray” at “wuhan.” Ang kulay pula na may mga bituin na background ng billboard ay kahalintulad ng watawat ng China.

Isang neitizen ang nagsabi na walang masama na ipagdasal ang Wuhan – kung saan nagsimula at lumaganap ang novel coronavirus. Pero sana raw ay mayroon ding katulad na billboard upang ipagdasal ang mga nasalanta ng iba-ibang kalamidad na nangyari sa bansa.

“Walang masama to PRAY FOR WUHAN. Pero sana may billboard ding ganito noong nilindol ang Batangas, Zambales, Samar, Batanes, Cotabato, Bukidnon, Davao, Surigao, Ilocos, Leyte. Noong pumutok ang Taal. Noong nagkaroon ng measles/dengue outbreak. Noong nagkagyera sa Marawi. Di po ba?”

Screenshot ng Twitter message ni Ogie Rosa

“Hmm, I don’t remember seeing any LED billboard saying ‘Pray for Marawi’ or ‘Pray for Taal’ dati…”

May ibang netizens naman ang nagbigay ng haka-haka na maAaring ang pamahalaan ang nasa likod ng nasabing billboard. Habang may nagsabi rin na posibleng ang China ang nagpagawa niyon.

Isang journalist naman ang nagsabi na kilala niya ang naglagay ng billboard at mayroon umano siyang permiso na pangalanan ito.

Aniya, Alvin Carranza ang pangalan ng nasa likod ng nasabing billboard. Si Carranza ay may-ari umano ng isang malaking digital billboard business. Wala raw nagbayad na kliyente para sa billboard. Kusa at wala umanong kapalit na bayad ang ginawang ito ni Carranza.

Screenshot ng tweet ni Inday Espino Varona

“I know who did this and have permission to confirm. Alvin Carranza was not paid anything to mount that. He is the owner of a big digital billboard business. There was no client for this one. Gratis. “For humanity.”

Sinabi pa ng journalist na ang ginawa ni Carranza ay walang bahid ng politika.