• Isang tricycle driver sa Isabela ang usap-usapan sa social media
  • Kahawig umano ni NBA Legend Kobe Bryant ang tricycle driver na si Leovic Panganiban
  • Sabi ni Leovic, maraming tao ang nagpapa-picture sa kanya kahit hindi niya kilala

Isang tricycle driver sa bayan ng Sto. Tomas sa Isabela ang pinag-uusapan ngayon sa social media dahil kahawig raw nito ang National Basketball Association (NBA) Legend na si Kobe Bryant na kailan lang ay yumao dahil sa isang helicopter accident.

Imahe mula kay Leovic Panganiban

Ayon sa tricycle driver na si Leovic Panganiban, maliit pa lang siya ay iniidolo na niya si Kobe Bryant kaya nahilig siyang maglaro ng basketball.

Kuwento ni Leovic, noong bata pa siya ay na-injure nag kanyang paa dahil sa kalalaro ng basketball, subalit hindi ito naging hadlang para ipagpatuloy ang nakahiligang laro.

Aniya, para sa kaniya “ball is life.”

“Pinatigil ako maglaro ng tatay ko pero nagba-basketball pa rin ako ‘pag tinatawag ng tropa,” ani Leovic.

Bukod sa pagiging kahawig at hilig sa basketball, si Leovic ay isa ring mabuting asawa at ama tulad ni Kobe Bryant sa asawang si Vanessa at sa apat nilang mga anak. Kaya naman patok na patok sa kanyang mga kababayan ang pagiging Pinoy Black Mamba.

Sabi pa ni Leovic, maraming tao ang nagpapa-picture sa kanya kahit hindi niya kilala.

Imahe mula kay Leovic Panganiban

Tulad ng maraming fans, nalungkot din si Leovic sa pagyao ni Kobe nang bumagsak ang sinasakyan nitong helicopter. Kasama ni Kobe ang 13-anyos na anak  niyang si Gianna na nasawi rin sa aksidente.

Si Kobe at si Gianna ay naihimlay na noong nakaraang linggo matapos ang isang pribadong seremonya. Inilagak ang mga labi ng mag-ama sa Pacific View Memorial Park sa Corona del Mar sa Los Angeles.

Imahe mula kay Leovic Panganiban