• Moon selfie nauuso na naman
  • Ang moon selfie ay pagkuha ng larawan habang nakasilip sa isang tissue paper tube o anumang bagay na cylindrical ang hugis
  • Hindi lang sa tao puwede ang moon selfie, maaari rin itong gawin sa inyong mga pets

Nauuso na naman ang moon selfie. Kakaiba ang trend na ito na bumibihag sa mga social media users kung saan kinukunan ng litrato ang sarili habang nakasilip sa isang tissue paper tube o anumang bagay na cylindrical ang hugis upang magmukhang “moon.”

Imahe mula sa Sad and Useless

Nagkalat ngayon sa iba’t ibang social media platforms ang mga selfies, lalo na sa Instagram kung saan nag-trending ang hashtag na  #moonselfie. Nakatutuwa ang mga sari-saring pose o nakakatawang ekspresyon ng mukha na ginagawa ng mga netizens para lang magmukhang buwan.

Ilang taon na rin ang nakalipas noong unang nag-trending ang ganitong selfie. Nauso noon sa internet ang moon challenge o ang pag-post sa social media ng larawan ng netizen na mukhang moon.

Nalaos agad ito at naglaho na ang mga social media posts tungkol sa moon selfie challenge, pero ngayon nga ay bigla na naman itong nabuhay. Maging ang mga lumang moon selfies na may nakaaaliw na caption ay muling lumitaw kaya nagpiyesta na naman ang mga netizens na mahihilig magbigay ng mga nakatutuwang komento.

Hindi lang sa tao puwede ang moon selfie. Maaari rin itong gawin sa mga alagang aso, pusa o anumang pet. Toliet paper tube lang ang kailangan at cellphone ay maaari ka nang magkaroon ng moon selfie. Silipin ang iba’t ibang kuha ng moonselfie sa Instagram gamit ang hashtag na #moonselfie,

Imahe mula sa Sad and Useless

Siguraduhin lang na alam ninyo kung paano mag-moon selfie dahil baka matulad kayo sa isang babae na hindi alam kung paano iyon ginagawa.

Imahe mula sa Bored Panda