• Pag-review sa K to 12 Program aprubado kay Pangulong Duterte
  • Ang pagrebisa sa K to 12 Program ay isang rekomendasyon mula sa DepEd
  • Ang rekomendasyon ay bunsod ng mababang grado na nakuha ng mga Pinoy students sa reading comprehension assessment

Aprubado kay Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon ng Department of Education (DepEd) na repasuhin at i-update ang K to 12 Program.

Imahe mula sa PCOO

Ang rekomendasyon ng DepEd ay kaugnay ng poor performance ng mga Pinoy students na may edad 15 – karamihan ay nasa Grade 9 – sa global reading comprehension assessment na isinagawa ng Program for International Student Assessment (PISA) noong 2018.

Nangulelat ang mga Pinoy students sa 79 na bansang lumahok sa reading comprehension assessment kung saan nakakuha lang ng 340 points ang mga Pinoy. Higit itong mababa kaysa sa average na 487 points.

Bukod sa reading comprehension, mababa rin ang gradong nakuha ng mga Pilipinong mag-aaral sa Mathematics sa score na 353 points at sa Science sa score na 357 points, na kapwa mas mababa kaysa sa average ng mga bansang nakiisa sa assessment.

Sa Cabinet meeting noong Martes, ika-4 ng Pebrero, sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na iminungkahi ng DepEd na ipatupad ang “Sulong EduKalidad” program.

Imahe mula sa UNTV

Layunin ng nasabing programa na rebisahin at i-update ang K to 12 curriculum, pagandahin ang learning environment, i-angat at dagdagan ang kaalaman ng mga guro.

Ayon kay Panelo, sinabi umano ni DepEd Leonor Briones na inaasahan na ng ahensya ang mababang resulta sa reading comprehension assessment.

Kaya umano lumahok ang Pilipinas sa assessment ng PISA ay upang makapag-establish ng baseline na gagamitin bilang sukatan ng pag-unlad ng Philippine education kumpara sa global standards.

Ang sukatan ay gagamitin ng DepEd upang magpatupad ng corrective measures upang matugunan ang kakulangan ng Philippine education system.

Imahe mula sa Philnews