• Si Marcelito ang 4th placer sa AGT:The Champions
  • Ang Indian acrobatic dance group ang hinirang na champion ng talent show
  • Sa isang Facebook post, sinabi ni Marcelito na anuman ang naging resulta, pakiramdam niya ay isa siyang winner

SI Marcelito Pomoy, ang Filipino pride sa America’s Got Talent: The Champions Season 2, ang hinirang na 3rd runner up o 4th placer sa kompetisyon, ayon sa Twitter post ng AGT.

Screenshot mula sa AGT”The Champions video

Halos hindi makapaniwala ang audience nang i-anunsyo ng show host na si Tery Crews ang pangalan ni Marcelito bilang 4th placer.

“Let’s find out who came in fourth. Goodluck to all of you,” sabi ni Crews.

“The Superfans have voted….The act finishing in 4th place and leaving the competition is…..,” binitin pa ni Crews ang pag-anunsyo habang naghihiyawan naman ang mga audience sa pananabik.

“Marcelito Pomoy!” ang sigaw ng show host na tila ikinabigla ng studio audience.

“Ohhh…,” ang tanging nasambit nila.

“What do you want to say, Marcelito? Would you like to get your wife here?” sabi ni Terry Crews.

Ang asawa niyang si Joan ang nagbigay ng mensahe ng pasasalamat para kay Marcelito.

“He just wanted to say thank you, thank you so much for everybody. This is a big, big opportunity for him. That’s all. Thank you so much,” ani Joan.

Screenshot mula sa AGT”The Champions video

Nagbigay naman ng mensahe para kay Marcelito ang judge na si Heidi Klum.

“Marcelito I love you so much. You have the most beautiful voice, but I should actually say the most beautiful voices inside of you. You are a champion and thank you so much for sharing your talent with all of us,” ani Heidi.

Ang Indian acrobatic dance group na V. Unbeatable ang itinanghal na champion ng show.

Screenshot mula sa AGT”The Champions video

Sa isang Facebook post, sinabi ni Marcelito na anuman ang naging resulta, pakiramdam niya ay winner siya.

“I really don’t need to win this contest because for me I am already a winner for in your hearts I can feel how all feel…I feel that I win your hearts…so I am already a winner,” aniya.

Inamin niya na umaasa at ipinagdasal na siya ang maging kampeon dahil isang oportunidad daw iyon na maibahagi niya ang prize money sa mga taong nangangailangan.