• Ang mga pera sa China ay dini-disinfect ng mga bangko at itinatago ng hanggang 14 days bago ibalik sa sirkulasyon
  • Gumagamit ang mga bangko ng ultraviolet lights upang mapuksa ang mga mikrobyo sa pera
  • Ayon sa World Health Organization, ang COVID-19 ay naikakalat hindi lang mula sa droplets at sa close contact sa pasyenteng may virus kundi maging sa mga kontaminadong gamit

Umaksyon na rin ang Central Bank ng China upang makatulong sa pagpigil ng pagkalat ng coronavirus disease 2019 o COVID-19.

Imahe mula sa China Daily

Ayon sa deputy governor ng Central Bank na si Fan Yifei, inirekomenda nila sa mga bangko na mag-isyu ng bagong pera sa mga customer at ang mga luma ay i-disinfect at itago ng mula pitong araw hanggang labing-apat na araw bago muling ilabas sa sirkulasyon, depende kung gaano kalubha ang outbreak sa isang partikular na rehiyon.

Gumagamit ang mga bangko ng ultraviolet light o mataas na temperatura upang mapuksa ang mga mikrobyo sa Yuan bills. Babalutin nila ang mga pera at itatago ng hanggang 14 days.

Ayon sa World Health Organization, ang COVID-19, na nakaapekto na sa mahigit 66,000 na tao sa China at kumalat na sa mahigit dalawampung bansa, ay naikakalat hindi lang mula sa droplets at sa close contact sa pasyenteng may virus kundi maging sa mga kontaminadong gamit katulad ng pera.

Naglabas ang central bank ng China ng 4 billion yuan sa Hubei province, ang sentro ng kontaminasyon ng COVID-19, upang mapangalagaan ang kalusugan ng mga residente doon na gumagamit ng cash.

Imahe mula sa Teh Eng Koon

Hindi naman malinaw kung may malaking epekto ang ginagawang pag-disinfect sa mga pera dahil dumarami na ang bilang ng mga Chinese na mas gustong gumamit ng mobile payment kaysa cash.

Source :

ABS-CBN, Abante