• Presyo ng mga bulaklak sa Dangwa Flower Market tumataas na habang papalapit ang Valentine’s Day
  • Inaasahang tataas pa ang presyo ng mga bulaklak sa mismong araw ng mga puso
  • Hinikayat ng mga flower vendors ang mga tao na huwag nang hintayin ang February 14 bago bumili ng mga bulaklak

Hindi pa man sumasapit ang araw ng mga puso o Valentine’s Day ay maraming tao na ang dumarayo sa Dangwa Flower Market na kilala rin sa tawag na “Bulaklakan ng Maynila” na matatagpuan sa Sampaloc, Manila, upang bumili ng mga bulaklak para sa kanilang mga iniirog.

Imahe mula sa Traveler on Foot

Dalawang araw bago pa sumapit ang espesyal na araw para sa mga taong nag-iibigan ay nagmahalan na ang presyo ng mga bulaklak na mabibili sa Dangwa dahil sa taas ng demand. Inaasahang magmamahal pa ito pagsapit mismo ng February 14.

Ang bouquet ng assorted na bulaklak na noon ay mabibili lang sa halagang P250 ay itinaas na sa P400 at ang dating tig-P400 na bouquet ng assorted flowers ay nasa P600 na ang bentahan ngayon.

Ang payo ng mga nagtitinda ng mga bulaklak sa mga mamimili ay bumili na habang mas maaga. Tumatagal naman umano ng hanggang limang araw ang bulaklak kaya siguradong sariwa pa ang mga iyon sa Valentine’s Day.

Maaari raw na umorder na ngayon at i-claim na lang ang bulaklak sa araw ng mga puso.

Narito ang kasalukuyang presyo ng iba’t ibang uri ng bulaklak sa Dangwa:

Imahe mula sa Traveler on Foot

Ang Ecuadorian Rose ay mabibili sa halagang P250 per stem, ang roses ay P600 per dozen, at ang Carnation ay P250 per dozen.

Ang Sunflower ay P150/stem, Malaysian Mums P150/bouquet, Stargazer P280/stem, Gerbera P300/10 stems.

Maari umanong ipaayos sa mga tindero ang mga bulaklak na bibilhin basta magdagdag lang ng P100.

Source :

YouTube, ABS-CBN