• Greg Slaughter sinabing magpapahinga muna siya sa basketball
  • Nag-expire na ang contract ni Greg sa Barangay Ginebra San Miguel
  • Si Greg ay sa Barangay Ginebra lang naglaro sa buong PBA career niya
  • May kumakalat na balita na ipagpapalit siya kay Christian Standhardinger ng NorthPort team

Para sa mga fans na sumubaybay at sumuporta sa kanyang basketball career, lungkot at pagkabigla ang hatid ng mensahe ni Greg “Gregzilla” Slaughter sa social media na magpapahinga na muna siya sa basketball.

Imahe mula sa Instagram account ni Greg Slaughter

Sa instagram post ni Greg, sinabi niya na magpapahinga na muna siya sa paglalaro ng basketball matapos mag-expire ng kontrata niya sa Barangay Ginebra San Miguel.

“Now that my contract has expired, I’ve decided to take a break to be able to work on myself in all aspects,” bahagi ng mahabang post ni Greg na binansagang “Gregzilla” sa Philippine Basketball Association (PBA) dahil sa taas na pitong talampakan.

“I may not know what the future holds, but one thing is for sure, the best is yet to come!” dagdag pa ng bigman ng Barangay Ginebra.

Pinasalamatan ni Greg ang San Miguel Corporation management at ang presidente nitong si Ramon S. Ang, ang coach na si Tim Cone, ang mga team mates, ang buong Ginebra community at syempre ang solid Ginebra fans.

Imahe mula sa Instagram account ni Greg Slaughter

“To the best fans in the world – I can’t thank you enough for all the support you have shown me throughout the years. I will forever be grateful!” aniya.

Si Greg ay sa Barangay Ginebra lang naglaro sa buong PBA career niya. Siya ang first pick ng koponan sa PBA rookie draft noong 2013.  Itinanghal siya noong taong iyon bilang Rookie of the Year at naging malaking instrumento sa apat na kampeonato ng team.

Noong 2017, siya ang “Best Player of the Conference” ng PBA Governor’s Cup.

Imahe mula sa Instagram account ni Greg Slaughter

“Six years, 4 championships, a lifetime of experiences and memories. It’s been a fun ride being with this team,” aniya sa kanyang Instagram post.

Ang mensahe ni Greg ay kasunod ng mga usap-usapan na ite-trade siya at ang rookie na si Jerrick Balanza kapalit ng 6’8” Filipino-German na si Christian Standhardinger na isang prolific scorer ng NorthPort team.

Imahe mula sa Facebook account ni Christrian Standharginger

Source :

Instagram, Spin