• Video ng empleyado ng Wendy’s na naliligo sa kitchen sink kumalat sa social media
  • Sinisante na ng Wendy’s ang nasabing empleyado at ang co-worker nito na nakita rin sa video
  • Kinumpirma ng opisyal ng fastfood restaurant na nangyari sa Michigan branch nila ang insidente

Viral sa social media ang video kung saan makikita ang isang fastfood worker na naliligo sa kitchen sink ng restaurant. Nangyari ang insidente sa fastfood restaurant na Wendy’s sa Greenville, Michigan sa Estados Unidos.

Screenshot mula sa video ni Connor Somerfield via Facebook

Makikita sa video ang walang pang-itaas na empleyado na nag-e-enjoy sa paliligo sa lababo na puno ng tubig at mabulang sabon. Hinagisan pa siya ng bimpo ng isang kasamahan sa trabaho para maghilod.

“Wash yourself,” sabi ng empleyadong nakasuot ng uniporme ng Wendy’s sa co-worker na nakalublob sa lababo.

“I feel great. It feels like a hot tub. I’m just enjoying life,” sabi ng naliligong empleyado.

Bago matapos ang video ay naghagis pa ng metal tray sa lababo ang naka-unipormeng empleyado.

Kinumpirma ni Christian Camp, ang vice president ng human resources ng kumpanyang may-ari ng Wendy’s branch, na nangyari ang insidente sa kanilang Michigan store. Sinisante na raw ang mga empleyadong nakita sa video.

“This egregious behavior is completely unacceptable and counter to our safety, training and operational standards. Upon learning of this situation, all employees in the video were terminated immediately and the restaurant has been completely sanitized. The health department visited the restaurant today and no violations were reported,” pahayag ni Camp.

Screenshot mula sa video ni Connor Somerfield via Facebook

Nag-viral ang video matapos iyong i-post ng isang Connor Somerfield sa Facebook.

“So yeah I’m just gonna tell everyone right now do not go to the Greenville Wendy’s. This is disgusting. Please share this,” caption ni Somerfield sa post.

Panoorin ang video:

Source :

Complex, Facebook