• Ipinagmamalaki ng isang Dentistry student na maayos siyang pinalaki ng amang may DS
  • Hindi ikinahihiya ni Sader Issa ang kundisyon ng kanyang amang si Jad
  • Hinangaan ng marami ang pagbabahagi ni Sader tungkol sa kanyang ama

Ibinahagi ni Sader Issa, isang Syrian dentistry student, ang nakaaantig na istorya kung paano siya pinalaki ng kanyang ama na may Down Syndrome (DS).

Imahe mula kay Sader Issa

Hindi ikinahihiya ni Sader ang ama niyang si Jad dahil sa kondisyon nito; bagkus ay ipinagmamalaki niya ang ama na humubog sa kanyang pagkatao. Inilarawan niya ito bilang isang mabuting ama, asawa at lider ng pamilya.

Kung papipiliin, wala umanong babaguhin si Sader sa kanyang buhay. Ang lahat ng kanyang tinatamasa sa kasalukuyan ay bunga ng pagmamahal, pag-aaruga at pagbibigay ng lakas ng loob na natanggap niya mula sa ama habang siya ay lumalaki.

“I am proud of my father. Throughout my life, he has been the greatest support for me when I needed it,” pahayag ni Sader sa isang video interview.

Sa loob ng dalawampung taon ay nagtrabaho si Jad sa isang gilingan ng trigo sa kanilang lugar upang suportahan ang kanyang pamilya. Ipinagmamalaki niya ang tagumpay ng anak. Sa tuwing mayroon siyang bagong nakikilalang tao, ang lagi niyang sinasambit ay “My son is a doctor.”

Imahe mula kay Sader Issa

Sabi ni Sader, mababanaag sa mga mata ng ama ang kaligayahan at kapanatagan na tila nagsasabing “Yes, I have Down syndrome, but I raised this man and did everything in my power to make him become a doctor and help others.”

Ang mga magulang ni Sader ay patuloy sa kanilang simple ngunit puno ng kaligayahang pagsasama sa loob ng mahigit dalawang dekada.

Marami ang nagtatanong kay Sader tungkol sa relasyon ng kanyang mga magulang, kung saan ang ama niya ay may DS, samantalang ang ina ay wala.

Imahe mula kay Sader Issa

“I believe if the two partners were on the same page, then, why not get married? They are intellectually suitable for each other; very simple but loving and caring people,” paliwanag ng butihing anak na si Sader.

Ayon kay Sader, magmula nang mag-viral ang istorya niya, napakarami na raw ang nagpasalamat sa kanya sa ginawa niyang pagbabahagi tungkol sa ama.

Narito ang ilan sa kanila:

“Beautiful story of love and commitment to your children. Thank you to this family for sharing.”

“This is such a wonderful story. The father is an angel and raised a very fine man. Never underestimate anyone with DS. May God bless all of you. Congratulations to this amazing family. Thanks for sharing this story.”

“Beautiful and powerful story that love overcomes all obstacles. Thank you for sharing.”

Imahe mula kay Sader Issa