• Isang local burger ang kabilang sa “50 Best Burgers in the World 2020”
  • Nakuha ng Sweet Ecstasy ang 37th spot sa listahan mula sa Big 7 Travel
  • Ang Sweet Ecstasy ay unang nagbukas sa Jupiter Street sa Makati City noong July 6, 2012

Isang burger sa Maynila ang napabilang sa listahan ng “50 Best Burgers in the World 2020” mula sa Big 7 Travel; isang website na nagbibigay ng ekspertong payo tungkol sa mga bagay na may kinalaman sa traveling, partikular na ang mga magagandang lugar at masasarap na pagkaing dapat maranasan.

Imahe mula sa Sweet Ecstasy

Ayon sa Big 7 Travel, iba-iba man ang istilo, laki at toppings ng mga masasarap na burgers na matatagpuan sa iba’t ibang lugar sa mundo, may isang bagay kung saan sila nagkakapare-pareho – lahat sila ay “mindblowingly delicious.”

Noong ika-25 ng Pebrero ay inilabas ng Big 7 Travel ang listahan ng limampung pinakamasarap na burgers sa buong mundo para sa taong 2020 at isa rito ang burgers ng local burger joint na Sweet Ecstasy, na kilala rin sa tawag na Sweet X.

Nabuo ang listahan base sa mga opinion ng 2 million social audience ng website sa buong taon.

Sa “50 Best Burgers in the World 2020” list ay nasungkit ng Sweet X ang 37th spot.

Ayon sa Big 7 travel, hindi pinakukumplikado ng Sweet X ang mga bagay-bagay at nakatuon lang sa paggawa ng “ridiculously good and wholesome burger.” At kung ang hanap mo raw ay isang malaki at mouthwatering burger, matatagpuan din iyon sa Sweet X – ang kanilang Western Bacon Cheeseburger.

Imahe mula sa Sweet Ecstasy

“If you’re a true burger aficionado then you’ll love the chance to devour one of Sweet Ecstasy’s world-famous burger. They don’t over complicate things here and just focus on making what is just a ridiculously good and wholesome burger. However, if you’re after something massive and mouthwatering, you can definitely find it here, too. Case in point, their Western Bacon Cheeseburger. You’ll need two or three hands to hold it.”

Ang Sweet Ecstasy ay unang nagbukas sa Jupiter Street sa Makati City noong July 6, 2012. Mayroon na itong branches sa Pasig, Quezon City, San Juan City at sa Alabang, Muntinlupa City.

Upang malaman kung saan matatagpuan ang burger na number 1 sa listahan, i-click ang larawan sa ibaba: