• Muntik na palang magalit si Manny Pacquiao sa prank ng anak na si Mary
  • Kasabwat pa ni Mary ang inang si Jinkee sa ginawang biro sa ama
  • Kunwari ay nabistong may boyfriend na si Mary at titingnan nila ang reaksyon ni Manny

Viral sa social media ang latest vlog ni Mary, isa sa mga anak nina Manny at Jinkee Pacquiao. Umabot na sa mahigit isa at kalahating milyong views ng video mula nang ilabas iyon sa YouTube.

Screenshot mula sa vlog ni Mary Pacquiao

Kinasabwat ni Mary ang inang si Jinkee para biruin ang ama at tingnan ang magiging reaksyon nito kapag nalaman na may “boyfriend” na siya.

“In today’s video, I am pranking my dad and my mom would be helping me with this. So, basically what we’re gonna do in the prank is that my mom will get angry with me because I have like a secret boyfriend or something. And then she’s gonna tell my dad and then we’ll see how he reacts,” paliwanag ni Mary bago simulan ang “boyfriend prank.”

Sinabi pa ni Mary na hindi makikita ang reaksyon ni Manny habang ginagawa ang prank. Maririnig lang daw ang boses nito. Makikita lang ang reaksyon ng ama kapag tapos na ang biro.

Ganito tumakbo ang usapan sa prank:

Sinabi ni Jinkee sa asawa na nag-text umano sa kanya ang classmate ni Mary at sinabing may boyfriend na raw ang anak.

Jinkee: “’Yung classmate n’ya may sinabi sa akin.”

Manny: “Ano?”

Jinkee: “Nag-text sa akin ang classmate n’ya.”

Manny: “Ano raw?”

JInkee: “Na may boyfriend na raw s’ya.”

Bumaling si Manny kay Mary at diretsahang tinanong ang anak kung totoong may boyfriend na ito. Marahang tango ang tugon ni Mary sa tanong ng ama na nagtanong pa ulit kung kailan siya nagka-nobyo.

Screenshot mula sa vlog ni Mary Pacquiao

Mary: “Dati.”

Todo-arte naman si Jinkee at kunwari ay ipinakikitang nagagalit siya.

Jinkee: “Sino’ng dati? Marami nang sikreto ‘yan.”

Manny: “Ano’ng dati? Hanggang ngayon?”

“Last year” ang sagot ni Mary na kunwari ay ikinagulat ng ina.

Jinkee: “Last year pa pala, tingnan mo nga.”

Manny: “Hanggang ngayon? Sino ‘yun? Sino ‘to?”

“Yung classmate ko po,” ang sabi ni Mary na ipinagtaka ng ama dahil ang alam niya ay sa all-girls school nag-aaral ang anak. Kunwari ay pagalit na inutusan ni Jinkee si Mary na sabihin ang pangalan ng boyfriend, na isa palang hudyat para ipaalam na isang prank lang ang nangyayari.

Screenshot mula sa vlog ni Mary Pacquiao

“Ang pangalan niya is “PRANK,” sabi ni Mary na sinundan ng tawanan nina Jinkee at isa pang anak na si Queenie.

“Malapit na ako magalit,” sabi ni Manny habang niyayakap siya ng anak.

Narito ang “Boyfriend Prank” video:

Source :

YouTube