• Aabot sa 25,000 Pinay domestic helpers ang posibleng mawalan ng trabaho dahil sa ipinatupad na travel ban
  • Nagpatupad si Pang. Rodrigo Duterte ng travel ban sa China at mga teritoryo nito kabilang ang Hong Kong at Macau
  • Posibleng mawalan ng trabaho ang mga Pinay DH kung hindi agad makababalik sa kanilang mga employers

Tinatayang aabot sa 25,000 Pinay household service workers (HSW) o domestic helpers ang nanganganib na mawalan ng trabaho bunsod ng travel ban patungong, China, Hong Kong at Macau na ipinatupad ng Pilipinas bilang pag-iingat sa kumakalat na novel coronavirus (nCoV).

Imahe mula sa PNA

Kabilang dito ang 15,000 newly hired domestic helpers at ang 10,000 HSW na nagbabakasyon sa bansa na hindi makabalik sa kanilang employers dahil sa travel ban.

Ayon sa Society of Hong Kong Accredited Recruiters of the Philippines (Sharp), itong mga newly hired helpers at mga nagbabakasyon ay inaasahang lilipad patungo sa Hong Kong sa loob ng dalawa hanggang tatlong linggo.

“Filipino domestic helpers from Hong Kong and Macau may lose their jobs if the travel ban and lack of flights to those regions is not resolved by the end of February,” pahayag ni Sharp President Alfredo Palmiery.

Nangako naman ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na magbibigay ng P10,000 cash assistance, accommodation, transportation sa mga apektadong HSW na na-stranded sa paliparan. Tinatayang nasa 100 HSW ang nanatili sa airport dahil hindi pinayagang makaalis sanhi ng ipinatupad na travel ban sa China at mga teritoryo nito.

Imahe mula sa UNTV

“The grant will help ease the burden on would-be departing workers,” sabi ni Labor Undersecretary Renato Ebarle.

Bukod sa cash assistance, ang mga na-stranded sa airport ay bibigyan ng akomodasyon sa OWWA halfway house habang hinahanda ang kanilang travel arrangements pabalik sa kanilang mga probinsya.