• Supply ng kuryente at produktong petrolyo sa mga lugar na isinailalim sa lockdown pansamantalang puputulin
  • Ito ay upang mapigilan ang mga pinalikas na mga residente na bumalik sa kanilang mga tahanan
  • Pananatilihin naman ang supply ng elektrisidad sa mga evacuation centers, ospital, government institutions, command centers ng mga lokal na pamahalaan at iba pang mahahalagang pasilidad

Pansamantalang puputulin ang supply ng kuryente at petrolyo sa mga bayan sa Batangas na isinailalim sa lockdown bunsod ng pag-aalburuto ng Bulkang Taal.

Imahe mula sa The Daily Manila Shimbun

Ito ay upang mapigilan ang mga pinalikas na mga residente na bumalik sa kanilang mga tahanan sa gitna ng pagpapatuloy ng aktibidad ng bulkan na kailan lang ay muling nagbuga ng makapal na usok.

Sa isang press briefing na ginanap sa Department of Energy (DOE) office sa Taguig City, ipinahayag ni Energy Undersecretary Felix William Fuentebella na ang Task Force Energy Resiliency ay sumusunod sa direktiba mula sa National Disaster Risk Reduction and Management Council.

Matapos na maihayag ang mga lugar na isinailalim sa lockdown, agad na ipinatupad ng DOE ang suspensyon ng supply ng elektrisidad at produktong petrolyo sa mga bayan ng Lemery, Agon­cillo, Laurel, Talisay at San Nicolas simula pa noong Miyerkoles, Enero 22.

“We have to work under the umbrella of the Council, meaning when the Council has declared already the lockdown in the area, the energy family, the distribution utilities, the transmission group the NGCP (National Grid Corp. of the Philippines) and also the power plants, the oil companies will also have to implement this,” sabi ni Fuentebella.

Imahe mula sa PNA

Pananatilihin naman ang supply ng elektrisidad sa mga evacuation centers, ospital, government institutions, command centers ng mga lokal na pamahalaan at iba pang mahahalagang pasilidad.

“This is to ensure that everyone, especially the people of Batangas and the other affected areas, are safe,” aniya.

Binigyang-diin ng DOE na mahalaga rin na panatilihin ang maintenance ng transmission at distribution lines upang mabilis na maibabalik ang supply ng kuryente sa oras na bumalik sa normal ang situwasyon ng Taal.

Imahe mula sa PHIVOLCS

Source :

Manila Times, PNA