• Nagbabala sa publiko ang SEC laban sa isang pig investment scheme
  • Wala umanong lisensya ang Billford Ttrading upang mag-solicit ng investment sa publiko
  • Sinabi ng SEC na ang Billford Trading ay lumabag sa Securities Regulation Code

Nagbigay ng babala ang Securities and Exchange Commission (SEC) sa publiko laban sa isang grupo na tinatawag na Billford Trading na nanghihikayat sa mga tao na maglagak ng puhunan sa pamamagitan ng pagbili ng baboy.

 

Imahe mula sa Facebook page ng Billford Trading

Malaki umano ang kikitain sa pig investment scheme. Batay sa social media account ng Billford Trading, ang puhunang P2,500 para sa isang baboy ay magiging P4,375 pagkalipas ng tatlong buwan.

“Start buying one pig now! For the price of P2,500 and get your investment back P4,375 in just three months,” nakasaad sa isang poster sa Facebook page ng grupo.

Sa isang advisory na may petsang January 23, 2020, sinabi ng SEC na ang Billford Trading ay lumabag sa Securities Regulation Code. Wala umano itong tamang registration at lisensya upang mag-solicit ng investment.

“The public is hereby advised to stop investing in the investment scheme being offered by the said entities and by Billy Ford Delos Santos Andrada,” saad ng SEC advisory.

Ang mga salesmen, ahente, broker at dealers ng BillFord Trading na nagbebenta o nanghihikayat ng mga tao na mamuhunan sa pig investment scheme, kabilang ang pagso-solicit at panghihikayat na mag-invest sa pamamagitan ng internet o social media, ay may pananagutan sa ilalim ng Section 8 ng Securities Regulation Code.

Imahe mula sa Facebook page ng Billford Trading

Maaring mapatawan ang mga ito ng multa na hanggang P5 million at pagkakakulong ng hanggang 21 year o pareho.

“In view thereof, the public is hereby advised to stop investing in the investment scheme being offered by the said entities and by Billy Ford Delos Santos Andrada. Furthermore, the names of all those involved will be reported to the Bureau of Internal Revenue so that the appropriate penalties and/or taxes be correspondingly assessed,” ayon sa SEC.

Imahe mula sa Facebook page ng Billford Trading

Source :

SEC, Inquirer