• Hindi na mapipigilan ang pagluwag ng daloy ng trapiko sa EDSA ngayong taon
  • Ngayong taon ay maibabalik na ang EDSA sa original capacity nitong 288,000 vehicles per day mula sa kasalukuyang 400,000 vehicles
  • Sinabi ni Sec. Mark Villar na posibleng mangyari ngayong taon ang pangako ng Pres. Duterte na 5-minute travel time mula Cubao hanggang Makati

Buo ang tiwala ni Department of Public Works and Highways Secretary Mark Villar na luluwag na ang daloy ng trapiko sa Metro Manila, partikular na sa EDSA, dahil sa mga proyektong malapit nang matapos.

Imahe mula sa PNA

Ani Secretary Villar, ang Skyway Stage 3 lang ay makapag-aalis sa EDSA ng hindi bababa sa  100,000 vehicles araw-araw.

Ang Skyway Stage 3 ay ang elevated tollway mula Gil Puyat Avenue sa Makati City hanggang sa North Luzon Expressway (NLEX). Nakatakda itong buksan sa mga motorista sa Abril o Mayo ng kasalukuyang taon.

Ang isa pang proyekto, ang NLEX Harbor Link Extension na matatapos na rin ngayong taon, ay makapag-aalis ng 30,000 vehicles mula sa EDSA.

“With these projects we can expect there would be significant improvement by the second quarter of this year. So, as early as this year malaki po ang magiging improvement sa EDSA,” anang Public Works secretary.

“’Pag pinagsama-sama lahat ng decongestion projects, we can expect that the President would deliver on his commitment to decongest EDSA definitely. I can say at this point that the decongestion of EDSA is inevitable,” buong pagmamalaking pahayag ng kalihim.

Imahe mula kay Sec. Mark Villar

Sa kasalukuyan, nasa 400,000 vehicles ang dumadaan sa EDSA kada araw. Ngayong taon ay maibabalik na ito sa original capacity nitong 288,000 vehicles daily.

Ayon pa kay Sec. Villar, ang ipinangako ni Pangulong Rodrigo Duterte na 5-minute travel time sa pagitan ng Cubao sa Quezon City hanggang sa Makati City ay posible.

“Sa term ni Presidente ma-decongest natin ang EDSA at yung 5 minutes po from Cubao to Makati ay possible po,” ani Villar.

Samantala, sinabi ng kalihim na posibleng singilin ang mga motoristang gagamit ng Skyway Stage 3 ng mula P4 hanggang P5 kada kilometro. Ang elevated tollway mula Makati City hanggang NLEX ay may habang 18.7 kilometers.

Imahe mula sa DPWH

Source :

MSN, ABS-CBN