• Iminungkahi ni Rep. Joey Salceda na maglaan ng hanggang P100 billion na pondo para sa rehabilitasyon ng mga lugar na apektado ng Taal eruption
  • Hindi umano sapat ang P16-billion National Disaster Risk Reduction and Management Fund na nasa 2020 national budget
  • Iminungkahi pa ni Rep. Salceda sa mga concerned agencies na ipatupad ang “no-build zone” policy sa palibot ng Bulkang Taal

Sinabi ng isang mambabatas na kakailanganin ng gobyerno ang mula P60 billion hanggang P100 billion upang pondohan ang rehabilitasyon ng mga lugar na apektado ng Taal Volcano eruption.

Screenshot mula sa GMA video

“Kung ako tatanungin n’yo, between P60 billion to P100 billion dapat ilaan para ma-leapfrog. And we are still not sure when the volcanic activity will end,” sabi ni Albay 2nd District Rep. Joey Salceda.

Sinabi pa ng mambabatas na maghahanap ng karagdagang pondo ang House of Representatives dahil hindi umano sapat ang P16-billion National Disaster Risk Reduction and Management Fund na nasa 2020 national budget.

Pinamamadali rin ni Rep. Salceda sa mga mambabatas ang pagpasa ng isang panukalang batas para sa pagtatatag ng Department of Disaster Resilience (DDR) na siyang magiging pangunahing ahensya na mangangasiwa sa “disaster preparedness, prevention, mitigation, response, recovery and rehabilitation.”

Magiging mas epektibo umano ang mobilization dahil pagsasama-samahin sa ilalim ng DDR ang mga umiiral na mga ahensya, kabilang na ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology o PHIVOLCS,  na may kinalaman sa emergency at response.

Imahe mula sa sa Facebook account ni Jerome Austria Abuan

Sa gitna ng pag-aalburoto ng Bulkang Taal, iminungkahi pa ni Rep. Salceda sa mga concerned agencies na ipatupad ang “no-build zone” policy sa palibot ng bulkan.

Hinggil naman sa House Resolution na inihain ni Cavite 4th District Rep. Elpidio Barzaga na magsagawa ng congressional inquiry sa diumano ay kakulangan ng PHIVOLCS sa pagbibigay ng maagang babala sa publiko tungkol sa pagsab0g ng bulkan, sinabi ni Rep. Salceda na tutol siya rito.

“Dapat iwasan muna imbestigasyon, tulong muna. I don’t share the need for an investigation,” ani Salceda.

Sinabi pa ng Bicolanong mambabatas na ang dapat pagtuunan ng pamahalaan ay ang pagbibigay ng tulong sa mga apektadong komunidad.

Imahe mula sa Facebook account ni Ian Myk