• Mga pulis inatasan ni PNP OIC Archie Gamboa na magbawas ng timbang
  • Ang mga hindi makasusunod ay mapagkakaitan ng “schooling” para sa promosyon
  • Sakop ng order ang buong kapulisan – mula sa patrolman hanggang sa mga high-ranking generals

Ngayong taon ay ipatutupad ng Philippine National Police (PNP) ang weight standards sa hanay ng kapulisan. Ang mga pulis na sobra sa timbang ay hindi papayagang sumailalim sa mga trainings na kailangan sa promosyon.

Imahe mula sa PNP

Nagbabala si PNP Officer-in-Charge Lt. Gen. Archie Gamboa sa lahat ng police officers, mula sa patrolman hanggang sa mga high-ranking generals, na kailangan nilang magbawas ng timbang, kung hindi man paliitin ang mga nakausling tiyan, upang hindi sila pagkaitan ng “schooling” na kailangan para ma-promote sa mas mataas na posisyon o maging qualified sa ilang posisiyon sa PNP organization.

“There are schooling required for certain positions, there are schooling required for certain promotions,” ani Gamboa na nagsabi pa na ang “delayed schooling” ay makaaapekto sa career ng police officer.

Sinabi pa ni Gamboa na pipirmahan na niya ang isang kautusan na dapat  masunod ng mga pulis ang standard body mass index (BMI) upang mas tumaas ang tsansang umangat ang ranggo.

“Actually, pipirmahan ko na ‘yung sa BMI na ‘pag kung hindi ka compliant sa BMI, you will be denied schooling. Up until you comply with BMI requirements, that’s the only time that you can go on schooling,” aniya.

Imahe mula sa PNP

Ipinaliwang ni Gamboa na ang order na magbawas ng timbang ay hindi naman para mas gumanda ang imahe ng PNP, kundi para maging responsable ang mga police officers sa sarili nilang kalusugan.

“This is not just for the image of PNP na walang tiyan [dapat]. This is more on individual responsibility. Ini-implant namin dito na ‘yung health mo, na mabuhay ka nang matagal…’pag hindi mo pa mine-maintain ‘yung katawan mo, baka ‘di mo abutin retirement mo,” pagbibigay-diin ng PNP OIC.

Inamin ni Gamboa na sa ngayon ay sobra siya sa timbang dahil sa nagdaang Christmas holiday. Ipinangako niya na maabot niya ang kanyang target weight sa susunod na linggo.

Imahe mula sa PNP