• Nababahala na ang DepEd sa patuloy na paggamit ng mga paaralan bilang evacuation centers
  • Naaapektuhan umano nito ang pag-aaral ng mga estudyante
  • Dahil sa paggamit ng classrooms para sa mga residenteng lumikas ay nadodoble lang ang problema

Nagpahayag ng pagkabahala ang Department of Education (DepEd) dahil sa patuloy ng paggamit sa mga paaralan bilang evacuation centers para sa mga pamilyang naapektuhan ng pagputok ng Taal Volcano.

Imahe mula sa Mormon News

Labing-dalawang araw na mula nang magsimulang mag-alburuto ang Taal ay nananatili pa rin sa mga paaralan ang mga nasalanta ng Taal. Makikipag-usap na raw ang DepEd sa mga local government units na humanap na ang mga ito ng alternatibong lugar na maaaring paglipatan ng mga evacuees.

“Now we are trying to solve the problem of the learners whose classes has been suspended by negotiating with the local government involved so that they can identify spaces where they can put up temporary shelters for the evacuees so the children could get back to schools,” ani DepEd Secretary Leonor Briones.

Umabot na sa 2,517 ang mga classrooms na ginagamit bilang temporary shelters.

Sa ilalim ng Republic Act No. 10821, maaari lang gamitin bilang temporary shelters ang mga paaralan kapag wala nang ibang alternatibo. Dapat ding unahing gamitin ang school gym, auditorium at iba pang open spaces at huling option lang ang mga classrooms.

Screenshot mula sa ABS-CBN video

Dahil sa paggamit ng classrooms para sa mga residenteng lumikas ay nadodoble lang ang problema, ayon kay DepEd Undersecretary Annalyn Sevilla.

“We are duplicating the problem kasi may problema na tayo on the evacuees then we add a problem about the students not attending schools.

Tinutukan naman nila ang problemang ito sa pamamagitan ng implementasyon ng alternative delivery mode na tinatawag na “Education in Emergencies.” Sa ilalim nito ay magkakaroon ng mobile classroom sa evacuation centers at may school materials na ipamamahagi.

Screenshot mula sa ABS-CBN video

May modules din para sa home-based na mag-aaaral o pansamantalang kinukupkop ng mga kamag-anak o kaibigan.

Ayon pa kay Usec. Sevilla, naglabas ng memorandum si Sec. Briones na nag-aatas sa mga public at private schools na tanggapin ang mga “dislocated learners” kahit na walang transfer credentials.