• Meat products mula sa China na positibo sa ASF tinangkang ipuslit sa bansa
  • Ang shipment ay naglalaman ng mga food items tulad ng dumplings, pork-chicken balls at roasted chicken wings
  • Inirekomenda ni Reynaldo Quilang, ang hepe ng Veterinary Quarantine Services, na ibaon ang mga condemned products sa warehouse compound ng importer

Isang container van mula sa China na naglalaman ng mga meat products na nagpositibo sa African Swine Fever (ASF) ang nasabat ng Bureau of Customs (BOC).

Imahe mula sa BOC

Kabilang sa shipment na naka-consign sa Dynamic M Intl. Trading, Inc. ang mga food items tulad ng dumplings, pork-chicken balls at roasted chicken wings.

Ayon kay BOC Commissioner Rey Leonardo Guerrero, sa pagsusuri sa mga meat products noong ika-22 ng Enero sa Manila International Container Port (MICP) nagpositibo sa ASF ang mga iyon batay sa resulta ng laboratory tests na isinagawa ng Veterinary Quarantine Services ng MICP.

Ang naturang shipment ay dumating noon pang ika-11 ng Disyembre ng nakaraang taon. Isinailalim iyon sa Alert Order dahil sa suspisyon na misdeclared items ang laman niyon.

“It was put under an Alert Order for suspicion of containing misdeclared items. After 100 percent examination of its contents and undergoing laboratory test from the Veterinary Quarantine Services), the pork-celery dumplings indicated the presence of ASF virus,” ayon sa statement ng BOC.

Imahe mula sa BOC

Napag-alaman din na walang sanitary permit ang shipment mula sa Bureau of Animal Industry.

“This is a message to all importers. We are not going to tolerate misdeclared goods or the importation of food products that will put our industries in jeopardy. We’ve already lost so much because of the swine flu. Our ports are not open for more of these products,” babala ni Guerrero.

Inirekomenda ni Dr. Reynaldo Quilang, ang hepe ng Veterinary Quarantine Services, na ibaon ang mga condemned products sa warehouse compound ng importer.