• Bahagi ng krus ng itim na Nazareno nabali sa gitna nag gitgitan at balyahan ng mga deboto
  • Ipinaliwanag ng Manlia PIO na talagang “detachable” at “bendable” ang bahaging iyon ng krus
  • Tinatayang umabot sa mahigit dalawang milyong deboto ang lumahok sa Traslacion 2020

Ilang sandali bago isampa ang imahen ng Itim na Nazareno sa andas o karosa nito ay todo-dasal ang mga miyembro ng “Hijos del Nazareno,” ang mga nakatalagang magbigay ng proteksyon sa imahen, dahil sa inaasahang pagdagsa ng milyon-milyong deboto.

Screenshot mula sa GMA video

“Handa kaming makipagbalyahan, makipagsiksikan para lang maprotektahan namin ang Señor. Inihanda kami para talaga dito.” sabi ng isang Hijo del Nazareno.

Ang mga “salyador” at “mamimingga” ay nakapaghanda na rin bago umusad ang andas. Sila ang sasalag sa alon ng mga tao at magsisilbing hagdan sa mga nais makahawak sa Itim na Nazareno.

“Yung iaakyat ng ibang tao pasasampahin ko sa balikat ko para makasampa siya, makahawak sa Señor,’ ayon sa isang “mamimingga.”

Hindi pa man natatapos ang misa ay nagtakbuhan na ang mga namamanata upang makalapit sa Itim na Nazareno. Makikita sa isang video na umangat na ang  isang bahagi ng krus dahil sa halos ayaw nang bumitaw ng ilang deboto na  nakakapit dito.

Batay sa larawan na ibinahagi ng Manila Public information Office (PIO), nang makarating sa Hidalgo Street ang andas ay makikitang nabali na ang itaas na bahagi ng krus.

Imahe mula sa Manila PIO

Ipinaliwanag naman ng Manila PIO na talagang nababali at natatanggal ang bahaging iyon ng krus ng Itim na Nazareno.

“While it is true that a portion of the cross was bended when it was turning right on Hidalgo Street, that portion was actually detachable and bendable,” paglilinaw ng Manila PIO.

“Rest assured that this office will learn from this incident to serve you better as the Manila City government’s public relations and communications arm,” saad pa nito.

Tinatayang umabot sa mahigit dalawang milyong deboto ang lumahok sa Traslacion 2020. Mas marami ito kumpara sa isa at kalahating milyong deboto na dumalo sa Traslacion 2019.

Screenshot mula sa GMA video

Source :

Twitter, YouTube