• Komedyanteng si Dyosa Pockoh isa sa mga nag-evacuate dahil sa pag-aalburoto ng Taal
  • Sa kabila ng hirap ng buhay sa evacuation center ay nagdala ng good vibes sa kapwa evacuee ang komedyante
  • Bumilib ang mga netizens sa positivity na ipinakita ni Dyosa

Kinabibiliban ng mga netizens ang YouTube vlogger at “One of the Baes” comedian na si Dyosa Pockoh dahil sa kabila ng nararanasang pagtitiis bilang isang Taal evacuee ay pinili pa rin niyang maging positibo at magbigay ng saya sa mga katulad niyang bakwit.

Imahe mula sa Facebook account ni Dyosa Pockoh

Si Dyosa Pockoh ay residente ng Lemery, Batangas na napilitang lumikas kasama ang kanyang pamilya at nagtungo sa isang evacuation center sa bayan ng Nasugbu dahil sa makapal na abong ibinuga ng Bulkang Taal at sa mga sunud-sunod na pagyanig.

Mahirap man ang kalagayan nila sa mga evacuation center, pinili ni Dyosa na magpasaya sa pamamagitan ng pagpo-post ng mga nakaaaliw na larawan at video sa kanyang social media account.

Ibinahagi ng komedyante ang ilang larawan na nagpapakitang suot niya ang mga damit na donasyon mula sa mga nagbigay ng tulong para sa mga evacuees.

Sa isang larawan ay makikita si Dyosa na nakasuot ng pulang damit at high-heeled shoes habang nakapila para makakuha ng relief goods. Mapapansin na halos lahat ng mga evacuees na kasama niya sa pila ay napapangiti dahil sa kanya.

“’Yung kailangan kong pumila. Sana umabot ako sa relief good. Sana may liptint, blush on, face mask, gluta, conditioner. Kase sobra haggard na ako. Charoooottt lang!” caption ni Dyosa sa post.

Imahe mula sa Facebook account ni Dyosa Pockoh

Sa mga nagtatanong naman kung bakit nagtitiis siya sa evacuation center sa kabila ng marami niyang kaibigan sa showbiz na maaaring tumulong sa kanya, ganito ang sagot niya:

“Sabe nila bakit daw ako nagtitiis sa evacuation. Ito po ang sagot ko…may pashanghai kase dun,” caption niya sa larawang may hawak siyang isang tray ng lumpia.

Sa isa pang larawan, makikita siyang may hawak na isang bag ng relief good habang kasama ang ilang batang evacuees. Post ni Dyosa: “’Yung akala nila na namimigay ako ng relief. Nasalanta din po ako.”

Imahe mula sa Facebook account ni Dyosa Pockoh

Dahil sa positivity at good vibes na hatid niya sa mga kapwa evacuees ay maraming netizens ang humanga kay Dyosa Pockoh.

“Hi Dyosa…alam natin na marami kang kaibigan na artista na pwedeng tumulong sa’yo o pwede kang makituloy pero mas pinili mo sa evacuation center. Salamat kasi kahit paano ganyan sitwasyon niyo napapasaya mo sila sa simpleng pa kiyeme mo .. God bless .. ingat kayo d’yan.”

“God bless Dyosa! Stay positive and spread good vibes.”

“Dyosa kahit may pinagdadaanan tayo nakaka-good vibes pa din…napapangiti mo pa din mga Batanggenyo…sa isang araw pagkukwetuhan na lang natin ito…malalampasan natin lahat ito.”

Imahe mula sa Facebook account ni Dyosa Pockoh

Source :

Facebook