• Japanese billionaire naghahanap ng girlfriend na maisasama sa kanyang moon voyage
  • Si Yusaku Maezawa ang unang civilian passenger ng Space X rocket ni Elon Musk na sa 2023 nakatakdang bumiyahe
  • Mahigit 20,000 na babae ang nag-apply para maging girlfriend ng bilyonaryo

Natatandaan n’yo ba ang biyonaryong Hapones na nangakong mamimigay ng $9 million (katumbas ng P457,564,500.00) na paghahatian ng 1,000 Twitter followers niya bilang isang social experiment upang alamin kung magiging mas masaya ang makatatangap ng pera?

Screenshot mula sa YouTube channel ni Yusaku Maezawa

Sinabi ni Yusaku Maezawa na ang kailangan lang gawin ng Twitter followers niya ay i-retweet ang kanyang Twitter post para mag-qualify na mabigyan ng pera.

(Basahin dito ang buong kuwento tungkol sa kanyang social experiment: Bilyonaryong Hapones mamimigay ng $9 million sa mga followers niya sa Twitter

Ngayon naman, naghahanap si Maezawa ng isang girlfriend na maisasama sa biyahe niya patungo sa buwan [moon]

Ang bilyonaryong Hapones, na isang fashion mogul, ang kauna-unahang civilian tourist passenger ng Space X rocket ni Elon Musk.

Matatandaang noong September 2018 ay ipinahayag ni Elon Musk, ang chief executive officer ng Tesla, Inc. at Space X, ang founder ng online Japanese clothing company na Zozo na si Yusaku Maezawa ang magiging unang pasahero ng Space X rocket patungo sa buwan.

“Finally, I can tell you that I choose to go the moon,” pahayag noon ni Maezawa nang ipakilala siya ni Elon Musk.

Imahe mula sa Twitter account ni Yusaku Maezawa

Nakatakda ang lunar trip ni Maezawa sa taong 2023.

“I’m 44 now. As feelings of loneliness and emptiness slowly begin to surge upon me, there’s one thing that I think about: Continuing to love one woman,” pahayag ni Maezawa sa isang online wanted ad.

Ang hinahanap niya ay babaeng edad 20 pataas. “Why not be the ‘first woman’ to travel to the moon?” sabi pa ng eccentric billionaire.

Ang deadline ng application ay hanggang sa January 17, 2020.

Imahe mula sa AbemaTV

Ayon sa AbemaTV, isang streaming service provider, mahigit 20,000 na ang nag-apply upang maging girlfriend ni Maezawa.

Sa katapusan ng buwan ng Marso ay gagawin ng bilyonaryo ang final selection ng babae na maisasama sa kanyang moon voyage – ito ay pagkatapos ng “special dates getting to know Yusaku Maezawa.”