• Handshake at beso-beso pinaiiwasan ng DOH upang hindi kumalat ang nCoV
  • Mainam na fist bump o kumaway na lang bilang senyales ng “hello” kapag nagbabatian
  • Pinaiiwas ni Sec. Duque ang publiko sa pagkain ng hindi gaanong nilutong karne

Pinayuhan ng Department of Health (DOH) ang publiko na iwasan ang pakikipagkamay o handshake at beso-beso kaugnay ng pagkalat ng coronavirus o nCoV. Mas makabubuti raw ang fist bump o kaya ay finger to finger na batian. Pinakamainam kung kakaway at magsabi na lamang ng “hello.”

Imahe mula sa Pixabay

“Avoid shaking of hands this time. Sometimes, at the most, fist bump. Avoid beso-beso. Please, tigilan na muna. Or gusto n’yo, finger to finger na lang para talaga least contact point. Or, that’s the best, ‘hello’, payo ni DOH Secretary Francisco Duque III para makaiwas sa pagkalat ng nCoV.

Nakiusap rin siya sa media at sa publiko na iwasan ang “infodemic” o ang pagpapakalat ng mali at walang basehang impormasyon tungkol sa kumakalat na sakit.

“Let’s not be used by unscrupulous groups whose agenda is to propagate an infodemic, or the spread of false and baseless pieces of information. Let’s not be party to such a propagation because, otherwise, this misinformation can be more viral than the virus that we all are guarding against,” panawagan ng kalihim.

Pinaiiwas din niya ang publiko sa pagkonsumo ng mga karneng hindi gaanong naluto.”

“Make sure that the preparation is adequate. It should not be half-cooked or have meat that is pinkish,” aniya

Imahe mula sa DOH

Binigyang-diin niya ang kabutihan ng tamang paraan ng paghuhugas ng mga kamay. Aniya, dapat mahugasang mabuti ang palad, likod ng kamay at mga daliri ng hanggang dalawampung segundo o kasing-tagal ng dalawang ulit na Happy Birthday song.”

Kapag umuubo o bumabahing at walang dalang panyo, dapat gamitin ang likuran ng siko at hindi ang palad upang ipantakip sa bibig.

Screenshot mula sa RTVM video

Dapat ding umiwas sa mga taong may lagnat, ubo at sipon na nagpapakita ng katulad na sintomas ng sakit na dala ng nCoV.

Pinayuhan din niya ang lahat na uminom ng maraming tubig at kumonsulta sa doktor kapag may nararanasang mga sintomas.

Sa ngayon ay wala pang lunas sa nCoV bagaman at may bakuna nang ginagawa laban dito. Sabi ni Sec. Duque, posibleng abutin pa ng ilang buwan o taon bago maging available sa publiko ang vaccine.

Imahe mula sa DOH

Source :

Sunstar, ABS-CBN