• Isang ride sa peryahan sa Ynares Complex sa Antipolo City nagkaroon ng aberya
  • Habang mabilis na umiikot ang spiral jet ride ay nakalas ang isang upuan nito
  • Isa sa dalawang nakasakay sa kumalas na upuan ang nalaglag

Sa halip na kasiyahan ang maranasan sa isang peryahan sa Ynares Complex sa Antipolo City, Rizal, nabalot ng sindak ang mga sumakay sa isang carnival ride na kung tawagin ay spiral jet ride.

Screeenshot mula sa video ni Jerwin Lara Dimaisip

Ito ay matapos magkaroon ng aberya ang nasabing ride. Habang mabilis itong umiikot ay bigla na lang nakalas ang isang upuan kung saan nakasakay ang dalawang parukyano. Makikita sa video na nalaglag ang isa nitong sakay.

Bukod sa isang upuan na nakalas ay isa pang bahagi ng ride ang bumagsak. Mabuti na lang at wala itong tinamaan.

Umikot pa ng isang beses ang carnival ride bago iyon tuluyang huminto. Makikita sa video na sinaklolohan ng ilang nagbabantay o nag-ooperate ng spiral jet ride ang pasaherong naiwan sa upuang kumalas, samantalang ang babaeng tumilapon ay hindi agad napansin.

Ang mga taong nanonood sa labas na nakasaksi sa pangyayari ang makikitang pumansin sa babaeng nalaglag, na tila hindi naman malubhang nasaktan.

Ang video na may habang 1:45 minutes ay ibinahagi ni Jerwin Lara Dimaisip sa Facebook. Maraming netizens ang nagpahayag ng pagkabahala sa hindi inaasahang insidente.

Screeenshot mula sa video ni Jerwin Lara Dimaisip

Hala grabe. Kaya ‘pag dumadaan ako sa gilid n’yang ride na ‘yan alerto ako palagi.”

“Eto ‘yung sinasabi ko sa ’yo oh kaya ayaw ko pumunta sa mga ganyan.”

“Jusme! Iba talaga pakiramdam ko d’yan sa rides na ‘yan e!”

“Nung sumakay tayo dito takot na takot talaga ako e kase lumuluwag.”

Nagbigay naman umano ng ayuda ang may-ari ng peryahan sa mga pasaherong nasaktan. Hinikayat din nila ang iba pang nakasakay na makipag-ugnayan sa kanila.

I-click ang larawan upang mapanood ang video sa Facebook | Jerwin Lara Dimaisip

Source :

Facebook