• Mga turistang Tsino mula sa Wuhan, China na nakapasok sa Kalibo Airport pababalikin sa pinanggalingan
  • Kasunod ito ng pagdedeklara ng China ng lockdown sa Wuhan, kung saan unang lumitaw ang 2019-nCoV
  • Nasa pagitan ng 500 at 600 na Chinese tourists ang nakapasok sa Kalibo Airport bago pa naipatupad ng China ang lockdown sa Wuhan

Aabot sa limandaang Chinese tourists mula sa Wuhan, China – ang epicenter ng 2019 new coronavirus (2019-nCoV) na kumakalat doon – ang nakapasok sa bansa matapos lumapag ang sinasakyang eroplano sa Kalibo International Airport sa Aklan.

Imahe mula sa BWO

Ayon sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), isasailalim ang mga turistang Tsino sa forced repatriation o sapilitang pagpapabalik sa kanilang pinanggalingan.

Ang hakbang na ito ng CAAP ay kasunod ng pagdedeklara ng China ng lockdown sa Wuhan, kung saan unang lumitaw ang 2019-nCoV, noong Huwebes, ika-23 ng Enero.

Upang hindi na kumalat ang misteryosong sakit, itinigil ng Chinese government ang operasyon ng transportasyon, isinara ang mga tulay at isang paliparan upang mapigilan ang pagparoo’t parito ng mga tao sa  nasabing bayan.

Ayon sa tagapagsalita ng CAAP na si Eric Apolonio, nasa pagitan ng 500 at 600 na Chinese tourists ang nakapasok sa Kalibo Airport bago pa man naipatupad ng China ang lockdown sa Wuhan. Kabilang dito ang 135 Chinese tourists na dumating noong Huwebes.

“Siguro po mga limang daan hanggang anim na raan. Chartered flights po ito,” sagot ni Apolonio sa tanong kung ilan ang nakapasok sa bansa bago ang lockdown sa China.

Imahe mula sa SMNI

PInayagan umanong bumaba sa eroplano ang huling 135 tourists dahil wala naman silang lagnat.

“May bumaba pa rin na galing Wuhan. So, vigilant naman ang ating quarantine personnel sa airport. Bago bumaba ang pasahero  ini-scan na ng thermal scanner ng quarantine personnel,” ani Apolonio.

Sinuspinde na ng mga awtoridad ang direct flights mula sa Wuhan patungong Kalibo.

Source :

ABS-CBN, Philstar