• Bilyonaryong Hapones mamimigay ng 1 billion yen o $9 million sa mga followers niya sa Twitter
  • Ang 1 billion yen ay paghahatian ng 1,000 Twitter users
  • Isang “serious social experiment” ang ginawa ng Hapones upang malaman kung gaano kalaki ang epekto ng one million yen sa buhay ng isang tao

Isang bilyonaryong Hapones ang mamimigay ng $9 million sa 1,000 Twitter followers niya. Ang kailangan lang gawin ng mga followers niya ay i-retweet ang post niya noong January 1.

Screenshot mula sa youTube channel ni Yusaku Maezawa

Sabi ni Yusaku Maezawa, na isang fashion tycoon, ang gagawin niya ay isang social experiment upang alamin kung magiging mas masaya ba ang makatatanggap ng pera.

Hahatiin niya sa isang libo ang ipamimigay niyang one billion yen (humigit-kumulang $9 million). Ang bawat isang mapipili ay makatatanggap ng one million yen o halos $9,100.

Ipinahayag niya sa YouTube ang, aniya, ay isang “serious social experiment” upang malaman kung gaano kalaki ang epekto ng one million yen sa buhay ng isang tao. Hinikayat niya ang mga makatatanggap ng pera na gamitin iyon sa kahit na anong paraan nila gusto.

Kailangan lang sagutin ang mga quetionnaires – na regular na ipadadala – kung paano ginastos ang pera.

Hanggang noong hatinggabi ng ika-7 ng Enero lang ang pagsali sa social experiment. Umabot sa mahigit apat na milyong Twitter users ang sumali at nag-retweet ng post ng negosyante.

Screenshot ng tweet ni Yusaku Maezawa

 

Ang mga masuwerteng pagkakalooban ng one million yen ay malalaman sa pamamagitan ng lottery. Personal na padadalhan ni Yusaki Maezawa ng mensahe ang mga pangalang mabubunot.

Nanawagan si Maezawa sa mga social scientists na tulungan siya sa pag-analisa ng nasabing social experiment.

Noong nakaraang taon ay ginawa na rin ni Maezawa ang kaparehong eksperimento. Namigay siya ng one hundred million yen sa 100  Twitter followers na nagbigyan ng mahigit $9,000 bawat isa.

Source :

Twitter, CNN