• Isang ATM sa mall naglabas ng pekeng isanlibong piso
  • Inireklamo na ng nag-withdraw sa bangkong may ari ng ATM ang nangyari
  • Sinabi ng kinatawan ng bangko na nagsasagawa na sila ng imbestigasyon

Nagulat ang isang lalaki nang malaman na peke ang na-withdraw niyang isang libong piso sa isang automated teller machine (ATM) sa shopping mall sa Taytay, Rizal.

Screenshot mula a GMA video

Ang pekeng P1,000 bills ay na-withdraw ni Rodrigo Casas, Jr. sa ATM sa isang mall sa Taytay noong ika-31 ng Disyemre o bisperas ng Bagong Taon. Nalaman lang niya na peke ang pera nang ginamit ang perang na-withdraw para ipambili.

“’Yung kapatid ko bumili na sa hardware, fake daw ‘yung perang one thousand. S’yempre na bad trip ako. S’yempre bangko nga naman. ‘Pag sinabing bangko talagang lahat ng pera totoo d’yan… walang fake,” ani Casas.

Aminado si Casas na hindi niya sinuri ang perang inilabas ng ATM kung peke o hindi. Paliwanag niya, hindi na sinusuri ng mga tao ang mga perang nawi-withdraw sa mga ATM at agad na isinisilid sa pitaka.

“Usually, ikaw mag-withdraw lagay agad sa wallet. Titingnan mo pa ba? Eh uso ngayon minsan kapag nagwi-withdraw ka …may holdaper. S’yempre ipapasok mo na agad, hindi mo na titingnan ‘yun,” aniya.

Ayon sa tindera sa hardware store na pinagbilhan ng kapatid ni Casas, nalaman niyang peke ang pera dahil, una, hindi iyon magaspang tulad ng mga tunay na pera at nang gamitan niya iyon ng fake money detector, wala siyang nakitang mga UV marks na makikita sa mga totoong pera.

Screenshot mula a GMA video

Ang mga UV marks ay makikita lang kapag inilawan ng ultraviolet light na ginagait sa fake money detector. Ang mga UV marks ay nagagawa gamit ang non-visible dyes na makikita lang kapag itinapat sa UV light.

Inireklamo na ni Casas ang nangyari sa branch ng bangko na may-ari ng ATM. Sinabi ng kinatawan nito na iniimbestigahan na nila ang insidente.

Source :

YouTube