• Angkas may isyu sa foreign-ownership
  • Sinabi ng TWG na ay 99.96% ng Angkas ay pagmamay-ari ng isang Singaporean
  • Sa ilalim ng batas, ang mga banyaga ay pinapayagang magmay-ari ng 40% ng negosyo na may kinalaman sa public services at ang natitirang 60% ay para sa Pilipino

Natuklasan ng inter-agency Technical Working Group, na nagsasagawa ng pilot run study sa mga motorcycle transport network companies (TNC), na nilabag ng Angkas, isa sa tatlong motorcycle taxi companies, ang batas hinggil sa foreign-ownership rule sa mga negosyo sa bansa.

Imahe mula sa Angkas

Sa ilalim ng batas ng Pilipinas, ang mga banyaga ay pinapayagang magmay-ari ng 40% ng negosyo na may kinalaman sa public services at ang natitirang 60% ay para sa Pilipino.

Batay sa mga dokumento mula sa Securities and Exchange Commission ,sinabi ng TWG na ang DBDOYC Inc., na siyang operator ng Angkas, ay 99.96% na pagmamay-ari ng isang Singaporean na kinilalang si  Angeline Xiwen Tham.

“In a blatant display of defiance and arrogance, note how Angkas or DBDOYC did not disclose to the riding public that it is over 99% foreign-owned corporation, and is operating contrary to existing Philippine laws that common carriers should be at least 60% owned by Filipinos,” pahayag ng TWG.

Diumano, ang kumpanya ay may authorized capital stock na P9.820 million, na hinati sa 980,280 shares na mayroong par value na P100 bawat share.

Hawak umano ni Tham, na president ng DBDOYC, ang 980,276 shares at sina David Braian Medrana, Andrea Gutierrez-Besid, Marian Geronimo, at Melvin Villa ay may tig-iisa sa natirang apat na shares.

Imahe mula sa Angkas

“Records from the Securities and Exchange Commission (SEC) would show that Angkas is 99.996 percent owned by Angeline Xiwen Tham, a Singaporean, with P9.8 million in subscribed shares. Tham is also listed at the SEC as the president of the corporation,” ayon pa sa TWG.

Ang pahayag na ginawa ng TWG ay reaksyon nito sa statement ng Lawyers for Commuter Safety and Protection na nagbabalang sasampahan ng kaso ang TWG dahil sa diumano ay “irregularities in the conduct of the Motorcycle Taxi Service Pilot Implementation Run.”

Bukod sa foreign-ownership issue, sinabi pa ng TWG na marami pang paglabag ang Angkas kabilang na ang hindi pagpapagamit ng helmet at vest sa mga pasahero, hindi awtorisadong safety gear, at patuloy na paniningil ng surge fees na hindi pinapayagan sa ilalim ng bagong panuntunan.

Imahe mula sa Angkas