• Manila City government nakakolekta ng mahigit P150 million back taxes mula sa tatlong unibersidad
  • Ang mahigit P150 million na nakolekta ng Manila City government ay sakop ng back taxes ng tatlong paaralan mula taong 2009 hanggang 2018
  • Malaki ang kinalaman ng tiwala ng mga paaralan sa pamamahala ni Mayor Isko Moreno kaya nagbayad ang mga ito ng back taxes

Tatlong paaralan sa University Belt sa Lungsod ng Maynila ang nagbayad ng kanilang mga back taxes upang samantalahin ang tax amnesty program na ipinatutupad ni Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso.

Imahe mula sa Manila PIO

Nakipagkita kay Yorme ang mga kinatawan ng Far Eastern University (FEU), University of the East (UE) at Mapua upang bayaran ang pagkakautang nila sa buwis. Nakatakda ring sumunod sa ginawa nilang hakbang ang Lyceum of the Philippines University at tatlong iba pang unibersidad.

Nagbigay ang FEU ng inisyal na P22 million sa back taxes nito na nagkakahalaga ng P212 million, mahigit P100  million naman ang ibinayad ng UE sa utang nito sa buwis at ang Mapua ay nagbigay ng partial payment na P31, 546,233.95 sa kabuuang utang nito sa buwis na P71.6 million.

Ang mahigit P150 million na nakolekta ng Manila City government, ayon sa city licensing division chief na si Paul Vega, ay sakop ng back taxes mula taong 2009 hanggang 2018.

Ipinaliwanag ni Paul Vega kung bakit bigong makapagbayad ng buwis noon ang mga nabanggit na paaralan. Aniya, ikinakatwiran umano ng mga unibersidad na ang mga educational institutions ay exempted sa pagbabayad ng buwis.

Screenshot mula sa video ng Manila PIO

Nagsampa umano ng kaso ang mga unibersidad laban sa lokal na pamahalaan ng Maynila na nagresulta sa matagal na legal battles.

Sinabi pa ni Vega na naging attractive incentive para sa mga unibersidad ang tax amnesty program ng Maynila. Naniniwala umano siya na malaki ang kinalaman ng tiwala ng mga paaralan sa pamamahala ni Mayor Isko Moreno kaya nagbayad ng back taxes.

“The tax amnesty program of Mayor Moreno became an attractive incentive to the schools, that is why they grabbed the opportunity. We also believe that their trust and confidence in the mayor’s administration has something to do with it,” ani Vega.

Yorme Isko Moreno

Imahe mula sa Manila PIO