• Pinakamatandang cave art sa buong mundo natuklasan sa Indonesia
  • Sinabi ng mga siyentista na tinatayang nasa 44,000 years old na ang cave painting
  • Ang cave art ay natuklasan ng isang Indonesian spelunker na kinilala lang sa pangalang Hamrullah noong 2017

Natuklasan sa isang kuweba sa isla ng Sulawesi sa Indonesia ang isang artwork ng mga sinaunang tao na nagpapakita ng pinakamatandang istorya tungkol sa pangangaso ng baboy at buffalo.

Imahe mula sa Griffith University

Ayon sa mga siyentista, tinatayang nasa mahigit 44.000 years old na ang cave art.

Noon, ang ilang rock arts na natuklasan sa ilang lugar sa Europa na ang edad ay nasa pagitan ng 14,000 hanggang 21,000 years ang itinuturing na oldest narrative artwork sa buong mundo. Sabi ng mga scientists, ang cave art sa Indonesia ay nauna pa sa mga ito.

“I’ve never seen anything like this before. I mean, we’ve seen hundreds of rock art sites in this region, but we’ve never seen anything like a hunting scene,” sabi ni Adam Brumm, isang archaeologist mula sa Griffith University sa Brisbane, Australia.

Tampok sa cave art na may lapad na 4.5 metro ang mga maiilap na hayop na hinahabol ng “half-human hunters” na may hawak na sibat at tali, ayon sa pag-aaral ng mga siyentista na nailathala ng Nature Research Journal noong ika-11 ng Disyembre.

“They appear to be human, but they seem to have some features or characteristics of animals. One appears to have a birdlike head, and another has a tail. He says these part-human, part-animal figures might signal early religious beliefs, because they indicate that ancient humans could imagine things they had never seen,” paliwanag ni Brumm.

Imahe mula sa Griffith University

Gamit ang dating technology, kinumpirma ng grupo ni Brumm na ang limestone cave painting ay ginawa 43,900 years na ang nakalilipas noong Upper Paleolithic period.

“This hunting scene is – to our knowledge – currently the oldest pictorial record of storytelling and the earliest figurative artwork in the world,” anang grupo ng mga archeologists.

“The scene may be regarded not only as the earliest dated figurative art in the world but also as the oldest evidence for the communication of a narrative in Palaeolithic art. This is noteworthy, given that the ability to invent fictional stories may have been the last and most crucial stage in the evolutionary history of human language and the development of modern-like patterns of cognition,” dagdag pa ng grupo.

Ang cave art ay natuklasan ng isang Indonesian spelunker na kinilala lang sa pangalang Hamrullah noong 2017.

Imahe mula sa Griffith University