• Mga medicine manufacturers nag-aalok ng 75% price reduction sa 150 uri ng medisina
  • Aabot sa 150 uri ng medisina para sa 36 karamdaman ang sakop ng pagtatapyas ng presyo
  • Bukod sa price reduction, nag-aalok din ang PHAP ng mga programang magbibigay ng holistic at comprehensive assistance sa mga pasyente

Handang magtapyas ang mga pharmaceutical firms ng hanggang 75% sa presyo ng nasa 150 medisina para sa iba’t ibang karamdaman.

Imahe mula sa Remate

Ipinahayag ni Teodoro Padilla, ang executive director ng Pharmaceutical and Healthcare Association of the Philippines (PHAP), na handa ang mga miyembro ng PHAP na bawasan ang presyo ng 150 medicines na ginagamit sa panggamot sa 36 na klase ng mga karamdaman.

Ang alok na price reduction ng PHAP ay kasunod ng plano ng Department of Health na magpatupad ng price control sa mga medisina para sa mga seryosong sakit.

“It is actually at these levels of prices which we have been selling to the government in bulk in the past years. Several of our members are prepared to extend these same price reductions to the public, if the Department of Health will agree,” sabi ni Padilla.

Kabilang sa mga balak tapyasan ng presyo ay ang mga medisina para sa karamdaman sa pus0, bat0, hika, sakit sa balat, HIV at mga sakit na nakahahawa. Ibababa rin ang presyo sa mga medisina para sa mga malalang karamdaman.

Ani Padilla, marararamdaman sa buong supply chain – mula sa manufacturers at distributors hanggang sa mga pribado at pampublikong botika at parmasiya na magbebenta ng medisina direkta sa publiko – ang alok nilang price reduction.

Imahe mula sa Pharmaceutical and Healthcare Association of the Philippines

Ayon kay Padilla, ang price control sa mga medisina ay hindi na kailangan kung magiging magkatuwang ang PHAP at ang gobyerno.

Sinabi pa niya na bukod sa price reduction, nag-aalok din ang PHAP ng mga programang magbibigay ng holistic at comprehensive assistance sa mga pasyente.