• POGO tinitingnan bilang pagkukunan ng pondo para sa dagdag-suweldo ng mga guro
  • Iminungkahi na patawan ng mataas na buwis ang mga POGO
  • Kakailanganin ng P126 billion kada taon para mapondohan ang P10,000 a month pay increase na hiling ng mga guro

Iminungkahi ng isang mambabatas na patawan ng mas mataas na buwis ang mga Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) upang mapondohan ang iginigiit ng mga public school teachers na itaas ang entry level salary sa P30,000 kada buwan.

Imahe mula sa MPSTA-ACT

Ang mga public school teachers ay kabilang sa mga kawani ng gobyerno na mabibigyan ng dagdag-suweldo sa ilalim ng Salary Standardization Law, subalit maliit lamang ang umento kumpara sa iginigiit nilang halos P10,000 na salary increase.

Ayon kay Iligan City Rep. Frederick Siao, kung mahahanapan ng pondo ang hinihiling na pay increase ng mga guro ay siguradong aaprubahan ng Kongreso ang kanilang hinihingi.

“Public school teachers have been unrelenting in their push for a pay hike of P10,000 per month. The challenge for Congress is where to find the roughly P126 billion needed annually to satisfy that clamor. Pero sabi nga ‘pag gusto may paraan,” sabi ni Rep. Siao.

Ayon kay Siao, sa ngayon ay ang mga POGO ang unang nakikita niya na maaaring buwisan ng malaki upang makalap ang kinakailangang P126 billion kada taon para pondohan ang pay increase na hinihingi ng mga public school teachers na ang bilang ay umaabot sa 900,000.

“Kung mapatawan ng buwis o itakda sa batas na P126 billion ang share ng gobyerno mula sa buong POGO sector at ang share na ito ay para sa mga guro, mangyayari ang hiling na taas-sahod ng mga guro,” paliwanag ng mambabatas.

Imahe mula kay Rep. Frederick Siao

Sinegundahan naman ni Deputy Speaker Mikee Romero ang mungkahi ni Rep.Siao.

“I will support tapping POGOs as a source. They should pay taxes, which Congress could allocate for social services like education and for personnel benefits,” ani Rep. Romero ng 1-Pacman partylist group.

Ikinatuwa ng grupo ng mga guro – ang Teachers’ Dignity Coalition – ang mungkahi ng mambabatas na patawan ng mataas na buwis ang mga POGO para pondohan ang hiling nilang P10,000 a month pay increase.

Imahe mula sa Buzzflare