• Tumaas ang bilang ng mga Pilipino na nasiyahan sa performance ni Pangulong Duterte sa last quarter ng taon
  • Mula sa 78 percent noong Setyembre ay umakyat sa 87 percent ngayong Disyembre ang approval rating ng Pangulo
  • Ang latest survey ay isinagawa ng Pulse Asia Research, Inc.

Tumaas ang bilang ng mga Pilipinong nasisiyahan at nagtitiwala sa pagganap sa tungkulin ni Pangulong Rodrigo Duterte sa last quarter ng taon, ayon sa pinakahuling survey na isinagawa ng private polling firm na Pulse Asia Research, Inc.

Imahe mula sa PCOO

Batay sa resulta ng survey na ginawa mula December 3 hanggang December 8, tumaas ng siyam na percentage points ang approval rating ng Pangulo kumpara sa nakuha niyang rating noong buwan ng Setyembre.

Mula sa 78 percent noong buwan ng Setyembre ay umakyat ang approval rating ni Pangulong Duterte sa 87 percent ngayong Disyembre.

Bumaba naman ang bilang ng mga Pilipino na hindi nasisiyahan sa performance ng Pangulo. Nabawasan ito ng 3 percent – mula sa dating 8 percent, ngayon ay 5 percent na lang.

Bumaba rin ang bilang ng mga undecided o hindi makapagdesisyon kung nasisiyahan o hindi nasisiyahan. Mula sa dating 14 percent ay naging 8 percent na lang.

Nasiyahan naman ang Malacañang Palace sa resulta ng latest Pulse Asia survey at sinabing ito ay dahil nakuntento ang mga Pilipino sa dedikasyon ng pamahalaan sa pagbibigay ng serbisyo. Ipinakikita lang umano nito na masaya ang mas nakararaming mamamayan sa mga polisiya ng Pangulo.

Imahe mula sa Pulse Asia Research, Inc.

“With an almost double-figure increase in just a short span of time, this is a testament to the Duterte Administration’s efficiency and commitment towards serving the Filipinos,” pahayag ni Communications Secretary Martin Andanar.

Iniuugnay naman ng economic team ng Pangulo ang mataas na approval rating sa pagbaba ng poverty rate sa bansa at ang matagumpay na hosting ng 30th Southeast Asian Games.