• Tracking system para sa mga balikbayan box inilunsad ng BoC
  • Ang PBTS ay maaaring ma-access sa webite ng BoC
  • Sa pamamagitan ng PBTS ay masusubaybayan ng mga Pinoy ang mga balikbayan boxes na ipinadadala sa kanila ng mga kaanak at kaibigan sa ibang bansa

Inilunsad ng Bureau of Customs ang Parcel and Balikbayan Box Tracking System (PBTS) noong Miyerkules, ika-30 ng Oktubre, bilang bahagi ng kampanya ng ahensya na maitaguyod ang transparency at ease of doing business.

Imahe mula sa BoC

Sa pamamagitan ng PBTS ay  maaari nang masubaybayan ng mga Pinoy ang mga parcels at balikbayan boxes na ipinadadala sa kanila ng mga kaanak at kaibigan mula sa ibang bansa. Maaaring ma-access ang PBTS sa official website ng BoC na www.customs.gov.ph.

Nagbibigay ng updates ang PBTS sa mga parcels at balikbayan boxes habang dumaraan ang mga ito sa “different stages of customs clearance.” Sa pamamagitan ng sistema ay namo-monitor din ng ahensya ang efficiency ng mga BOC officials at personnel.

“The system can provide updates about the parcel or balikbayan box as it goes through the different stages of customs clearance which also enables the Bureau to monitor the efficiency of BoC officials and personnel,” pahayag ni BoC Assistant Commissioner of the Post Clearance Audit Group na si Vincent Philip C. Maronilla.

“The parcels have timestamps so we can also monitor yung mga tao namin kung pinapatagal nila ‘yung processing, bakit nagtatagal, may reason din dun,” dagdag pa ng opisyal.

Imahe mula sa Change.org

Ang paglulunsad ng PBTS ay napapanahon, sabi pa ni Moranilla, lalo na at nalalapit na ang kapaskuhan kung kailan ang mga overseas Filipino workers ay inaasahang magpapadala ng mga balikbayan boxes para sa kanilang mga mahal sa buhay sa Pilipinas.

Hinikayat ni BoC Commissioner Rey Guerrero ang mga Pilipino na tangkilikin lang ang mga lehitimo at accredited forwarders para maiwasang mabiktima ng mga fly-by-night operators.