• Pangako ng PNP, walang pagmamalabis na magaganap sa panghuhuli sa mga vape users sa pampublikong lugar
  • Ang mahuhuli ay dadalhin sa presinto upang mai-record sa police blotter ang paglabag
  • Pagkatapos i-record sa police blotter ang violation ay ire-release agad ang nahuling vape user

Nagbigay ng pahayag si Philippine National Police Officer-in-Charge Lt. Gen. Archie Gamboa hinggil sa pangamba ng publiko sa pagmamalabis na posible umanong mangyari sa panghuhuli ng mga gumagamit ng vape sa pampublikong lugar.

Screenshot mula sa video ng DZMM

Kung sakali mang may maganap na pagmamalabis, hinimok ni Lt. Gen. Gamboa ang publiko na agad iyong ipagbigay-alam sa kaniya.

“We assure that there would be no abuses. If there is, tell me,” anang PNP official sa isang news conference sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City.

Ang panghuhuli sa mga vape users sa pampublikong lugar ay kasunod ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipagbabawal niya ang pag-aangkat ng vape products at ang paggamit ng mga ito sa public places.

Nilinaw ni Lt. Gen. Gamboa na dahil sa verbal directive ng Pangulo ay maaari silang manghuli ng mga lalabag sa utos, subalit hindi sila maaaring magbigay ng kaparusahan sa mga violators.

“We can arrest, but we cannot punish. Arrest is not punishment, remember,” aniya.

Ayon sa kanya, ang mga mahuhuling vape users ay dadalhin sa police station upang mai-record ang violation at pagkatapos ay agad silang ire-release dahil wala pang bagong executive order na nagsasabi kung ano ang penalty sa paglabag.

Imahe mula sa PNA

Sa ngayon  ay wala pa naman umano silang nahuhuling lumalabag.

“Ang suggestion ko nga, ‘wag n’yo na kaming i-challenge. Very simple lang naman, eh. ‘Wag na tayo gumamit ng vape. If you want to use vape, use it in private places, not in public places. ‘Yun lang naman ang request namin,” ani Gamboa.

Source :

Inquirer, ABS-CBN