• Cebu Pacific bukas na para sa application ng 9th batch ng kanilang study now, pay later Cadet Pilot Program
  • Labing anim na cadet pilot o trainees ang hinahanap ng Cebu Pacific
  • Sa Australia magsasanay ang mga successful applicants

Inanunsyo ng Cebu Pacific, ang nangungunang airline sa bansa na kilala sa  “low fare, great value” strategy, na tumatanggap na sila ng application para sa 9th batch ng kanilang study now, pay later Cadet Pilot Program. Labing-anim na trainees ang kailangan ng airline.

Imahe mula sa Cebu Pacific

Sinimulan ng Cebu Pacific na tumanggap ng application nitong Lunes, ika-4 ng Nobyembre at matatapos sa ika-13 ng Nobyembre 2019.

Ang mga matatanggap na recruits ay sasailalim sa 52 weeks ng integrated flight training, theory, at education sa Flight Training Adelaide sa bansang Australia.

Pagkatapos ng pagsasanay sa Australia ay kailangan pang sumailaim sa karagdagang apat na linggong training sa Civil Aviation Authority of the Philippines para makakuha ng pilot’s license.

Inisyal na aakuin ng Cebu Pacific ang pagbabayad sa training ng cadet pilots at babayaran ng successful pilots ang nagastos sa programa sa pamamagitan ng salary deduction sa loob ng sampung taon.

Bukas ang programa sa mga lalaki at babaeng Pilipino na college graduate na mayroong at least 80 percent na grado sa mga subjects na may kaugnayan sa Math, English at Physics. Kailangangang English-proficient at nasa maayos na physical condition.

Imahe mula sa Cebu Pacific

Ang mga interesado ay maaaring mag-apply online sa https://www.surveymonkey.com/r/JWFMS5G.

Ang papasa sa online pre-screening ay sunod na sasailalim sa on-site screening para sa core skills at pilot aptitude test kung saan kailangan nilang magbayad ng $425 fee.

Source :

GMA Network, PNA