• Pagbibigay ng medical financial assistance pansamantalang itinigil ng PAGCOR
  • Ang hakbang ay kasunod ng nadiskubreng panloloko sa pamamagitan ng pagsusumite ng mga pekeng dokumento upang makahingi ng pera sa PAGCOR
  • Ang mga suspek ay nahuli na ng MPD matapos magreklamo ng PAGCOR

Ipinabatid ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) noong nakaraang Miyerkules, ika-13 ng Nobyembre, na simula sa November 14, 2019 ay hindi na muna ito magbibigay ng tulong-pinansyal para sa medikal na gastusin ng mga pasyente.

Imahe mula sa PAGCOR

Ang ginawang hakbang ng PAGCOR ay kasunod ng pagkakadiskubre sa mag-asawang nagtangkang lokohin ang ahensya sa pamamagitan ng pagsusumite ng mga pekeng dokumento upang makahingi ng pinansyal na tulong.

“PAGCOR decided to cease receiving requests for financial assistance following the incident involving a couple who attempted to defraud the agency by submitting spurious documents for fictitious medical cases,” pahayag ng ahensya.

Naaresto ng mga operatiba ng Manila Police District (MPD) ang mag-asawang suspek matapos magsagawa ng isang entrapment operation kasunod ng reklamo ng PAGCOR.

Ang mag-asawa ay kasalukuyang nahaharap sa mga reklamong “falsification of public documents by a private individual” at “using false certificates.”

“Pending the results of an on-going investigation to the case, the state-run gaming firm freezes its accommodation of requests for medical aid,” saad ng statement ng state-run gaming e regulator.

Screenshot ng PAGCOR statement

Napag-alaman na ang mga suspek ay nakakakubra sa PAGCOR ng pera na dapat sana ay para sa mga taong tunay na nangangailangan ng medical assistance.

Nagbigay ng babala ang PAGCOR sa sinumang magtatangkang manloko dahil masusi ang ginagawa nilang pagsusuri sa mga dokumentong isinusumite sa kanila ng mga humihingi ng ayuda.

Samantala, nakiusap si Senator Lito Lapid sa PAGCOR na huwag naman sanang tuluyang itigil ang pagbibigay ng tulong sa mga taong nangangailangan.

Imahe mula sa Saksi Ngayon

“Sana ay hindi ihinto ng PAGCOR ang pagbibigay ng tulong medikal sa mga mamamayan nating mahihirap. Alam nating maraming natutulungan ang PAGCOR sa programa nilang ito,” aniya.

Nilinaw naman ng PAGCOR na tatanggap pa rin ito ng mga requests para sa medical financial assistance kung may endorsement letter mula sa Office of the President at ilang authorized na ahensya ng gobyerno, kabilang ang Department of Social Welfare and Development at Philippine Charity Sweepstakes Office.

Source :

Facebook, ABS-CBN