• Dalawang tulay sa Dagupan City sa Pangasinan nagliwanag dahil sa mga maningning na Christmas lights
  • Kasabay ng pagbukas ng Christmas lights sa dalawang tulay ang pagpapailaw ng giant Christmas tree sa harap ng City Museum
  • Inaasahang dadagsa ang mga tao mula sa mga karatig-bayan ng Dagupan City upang masilip ang Christmas displays

Nagbigay ng ligaya at saya sa mga residente ng Dagupan City sa Pangasinan ang mga maningning na Christrmas lights na ikinabit sa kahabaan ng dalawang tulay sa siyudad.

Imahe mula sa Dagupan City PIO

Noong Lunes ng gabi, ika-11 ng Nobyembre, ay  nagsagawa ang city government sa pangunguna ni Mayor Brian Lim ng test run ng pagpapailaw ng mga Christmas lights sa Quintos Bridge sa A.B. Fernandez Avenue at sa Magsaysay Bridge sa Perez Boulevard.

Nahitik ng mga makukulay na ilaw ang dalawang tulay noong gabing iyon na puring-puri ng mga namanghang mga Dagupeño na nagpasalamat at hindi magkamayaw sa pagbati sa kanilang butihing alkalde.

“Beautiful! Congratulations Mayor Brian Lim.”

“Amazing and world class Christmas lights. Congratulations Honorable Mayor Brian C. Lim. Good job.”

Ilan sa mga matatagal nang residente ng siyudad ang nagsabi na ngayon lang naging ganoon kaganda ang dalawang tulay na araw-araw halos ay kanilang tinatawiran.

“58 years old na ako sa Dagupan ngayon lang nangyari itong kagandang bridges ng Dagupan City

“Sis, ako 72 years old na at ngayon lang naging kasing ganda ang bridge natin. Good job, Mayor Brian C. Lim.

Imahe mula sa Dagupan City PIO

May isang nagsabi na mas maningning ang mga Christmas lights sa Quintos Bridge kaysa sa mga ilaw sa Magsaysay Bridge. Sana raw ay dagdagan pa ang ilaw nito . Magkagayunman, sinabi niya na ramdam na niya ang paparating na Kapaskuhan dahil sa mga Christmas lights ng dalawang tulay.

Opisyal na binuksan ang Christmas lights sa dalawang tulay noong Martes, ika-12 ng Nobyembre. Kasabay nito ang pagpapailaw ng higanteng Christmas tree sa harap ng City Museum.

Inaasahan na ang Christmas displays ng siyudad ngayong taon ay makaaakit ng libo-libong tao hindi lang mula sa mga barangay ng Dagupan City kundi maging sa mga kalapit-bayan nito.

Iba talaga ang simoy ng kapaskuhan sa puso ng mga Filipino.

Imahe mula sa Dagupan City PIO

Source :

Facebook